Ice Seguerra umamin sa depresyon

Kung hindi mo maiintindihan ang trip ni Ice Seguerra sa klase ng pagmamahal at panggigigil niya sa kanyang misis na si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, mawi-weird-uhan ka talaga sa kanya.

The post Ice Seguerra umamin sa depresyon appeared first on Abante News Online.

ice seguerra umamin sa depresyon - Ice Seguerra umamin sa depresyon
ice 1 - Ice Seguerra umamin sa depresyon

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Ice Seguerra umamin sa depresyonKung hindi mo maiintindihan ang trip ni Ice Seguerra sa klase ng pagmamahal at panggigigil niya sa kanyang misis na si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, mawi-weird-uhan ka talaga sa kanya.

Sa guesting ni Ice sa ‘Abantelliling’ nu’ng April 4 (Thursday), hindi siya nag-alangang magbahagi ng ilang mga kaganapan sa private life nila ng kanyang asawa.

Ayon pa rin kay Ice, isa sa pinakagustong-gusto niya kay Liza ay ang kilikili nito. Walang preno ang bibig na sinabi nito na ala­ga niyang amuy-amuyin ang kilikili ng asawa.

Mas gusto pa nga raw niya na maasim-asim ang kilikili nito, na minsan pinupuna pa niya ang paglalagay nito ng deodorant.

Kuwento ni Ice, nang makita niya na naglalagay ng deodorant ang asawa, sinita niya ito. Sagot naman ni Liza, may meeting­ siya kaya kailangang mag-deodorant siya.

Nag-dialogue si Ice na, ‘Wala akong pakialam sa ibang tao.’ Na si­yempre pa ay may kasamang tawa.

Isa pa sa gustong-gusto ni Ice na gawin kay Liza ay ang kalkalin ang mga kuko nito sa paa. Siya raw ang nagpi-pe­dicure sa asawa kahit parang paa ng isang lalake meron ang misis niya.

Sabi pa niya, kahit daw hyper, makalat, maingay si Liza ay mahal na mahal niya ito dahil ito ang nagsisilbing pambalanse sa personalidad niyang introvert.

Inamin ni Ice na nagmi-maintain siya ng anti-depressant pill, na nireseta sa kanya ng doktor.

Hindi itinago ni Ice na dumaan siya sa mga depressing moment at anxiety, kaya naman kumonsulta siya sa isang eksperto.

Nagsimula raw ito isang dekada na ang nakakaraan nu’ng magsabay-sabay ang kanyang mga problema. Walang kinalaman ang career ni Ice, dahil kampante siya sa kung ano ang meron siya ngayon. Katunayan, sangkatutak pa rin ang trabaho niya, at isang buwan nga siyang mamamalagi sa Canada dahil sa sunod-sunod na show with Juris.

At ayon kay Ice, ang pakikinig lang ng kanyang misis sa kanya ang nakakapagpa-relax sa kanya, para bumalik sa normal ang kanyang nararamdaman.

Muslim, pulis angat sa Bikining Pilipinas

Isang Muslim, software developer at isang criminology student ang ilan sa mga kandidata para sa ‘Bikining Pilipinas 2019.’ Ang BP19 ay pro­ject nina Mr. Victor Naynes (President & CEO of RV International Talent Management Events & Production) at ni Romeo Martin (Co-founder & Managing Director, RVITMEP).

Sa ginanap na launchin­g ng BP19, mahigit sa 20 kandidata ang ipinakilala at isa na sa mga nag-standout dahil sa kanilang background ay ang criminology student, na 5’8” ang taas, si candidate #8.

Gusto lang daw niyang ma-experience ang lumahok sa sexy pageant, pero mas pangarap niya ang maging isang pulis.
Umiyak naman si candidate #3 sa kuwento niya tungkol sa pagiging Muslim na nakakaranas ng panghuhusga mula sa kanyang mga kapatid.

Esplika naman nina Mr. Naynes at Mr. Martin, naghahanap sila ng mga talent na pasisikatin bilang artista. 

Gagamitin nila ang kanilang koneksyon sa ABS-CBN 2 at GMA-7, at sa mga advertising agency para maipasok ang mapipili sa bikini contest na ito na gaganapin sa May 1, sa The Island Uptown BGC.

Marami sa mga kandidata ang may potensyal na maging artista at posibleng sumikat.

Julia tinalbugan ni Claudia

Mapapanood na ang Thai movie ng naka­babatang kapatid ni Julia Barretto na si Claudia Barretto sa April 10, ang ‘Friend Zone’. Ito nga ang 2019 highest grossing film sa Thailand ngayon.

Magkakaroon din sila ng special VIP premiere night sa Fishermall Cine­ma sa April 8. Si Claudia rin ang kumanta ng soundtrack ng pelikula.

Pinagbibidahan ito ng mga big star ng Thailand na sina Naphat Siangsomboon at Pimchanok Luevisadpaibul. Naungusan ni Claudia ang ate niyang si Julia dahil naunahan pa niya itong gumawa ng pelikula sa ibang bansa at gamitin sa soundtrack ang boses nito.

The post Ice Seguerra umamin sa depresyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *