Ian, Dimples tuloy ang pakilig sa TV5 sitcom

Nasulat ko na noon dito sa Abante na kapag mahusay kang artista, hindi ka talaga dapat mag-alala, dahil lalapit at lalapit sa iyo ang suwerte.

The post Ian, Dimples tuloy ang pakilig sa TV5 sitcom first appeared on Abante.

ian dimples tuloy ang pakilig sa tv5 sitcom - Ian, Dimples tuloy ang pakilig sa TV5 sitcom
abante diom - Ian, Dimples tuloy ang pakilig sa TV5 sitcom

Nasulat ko na noon dito sa Abante na kapag mahusay kang artista, hindi ka talaga dapat mag-alala, dahil lalapit at lalapit sa iyo ang suwerte.

Ganiyan nga ang nangyari kina Dimples Romana at Beauty Gonzales, na sobrang sumikat ang tarayan sa Kadenang Ginto ng ABS-CBN. Kaya kahit wala na sa free TV ang Kapamilya channel, nilapitan pa rin sila ng trabaho.

Sabi nga, tuloy ang tarayan ng dalawa sa TV5, pero hindi nga lang sila magkasama. Magkaiba kasi ang show na gagawin nila, at sure ako, ikukumpara na lang ng mga fan kung sino o kaninong show ng dalawa ang mas tatangkilikin, o mas mataas ang rating.

Anyway, si Dimples ay si Ian Veneracion ang makaka-partner, ha! Sila nga ang tandem sa Oh My Dad, na isang sitcom. At bongga, dahil makakasama rin nila sina Gloria Diaz, Ariel Ureta, at si Sue Ramirez.

Winner ito dahil si Jeffrey Jeturian nga ang magdidirek, ang nagpasikat ng tandem noon nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. So, siguradong magpapakilig nga sina Dimples at Ian sa mga fan, na expertise ni Direk Jeffrey, ha!

Beauty, Yen agawan kay RK

Samantalang si Beauty ay magi-stick sa drama, dahil magkahalong romansa at drama nga ang tema ng serye na gagawin niya, ang I Got You. Makakasama naman niya sina RK Bagatsing at Yen Santos, na mula sa direksiyon ng isa pang napakahusay na direktor na si Dan Villegas.

Hindi pa ako sure kung ano ang tema ng romantic drama na ito nina Beauty, Yen at RK. Pero, ang bongga siguro, dahil feeling ng mga fan, mag-aagawan sina Beauty at Yen sa isang lalake, kay RK nga.

Hindi naman siguro mag-ina na nag-agawan sa isang lalake ang role, dahil masyado pang bata si Beauty para maging nanay ni Yen, di ba?

Pero, puwedeng-puwede nga kung magkaribal sila sa isang boylet. At ang suwerte naman ni RK na siya ang napiling pag-agawan, di ba?

Anyway, ang Brighlight Productions ni former Congressman Albee Benitez nga ang prodyuser ng mga show na ito. So, abang-abang na lang ang mga fan kung kailan magsisimula ang mga ito. (Dondon Sermino)

The post Ian, Dimples tuloy ang pakilig sa TV5 sitcom first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *