I feel so alone everyday’ Sarah Wurtzbach atras sa giyera kay Pia

Anyare? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?

The post I feel so alone everyday’ Sarah Wurtzbach atras sa giyera kay Pia first appeared on Abante.

i feel so alone everyday sarah wurtzbach atras sa giyera kay pia - I feel so alone everyday’ Sarah Wurtzbach atras sa giyera kay Pia
Pia Alonzo Wurtzbach. - I feel so alone everyday’ Sarah Wurtzbach atras sa giyera kay Pia

Anyare? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?

Ang matapang, nag-aapoy sa galit, bumubuga ng apoy na daig pa ang dragon, tila biglang naging maamong tupa ngayon?

Biglang-bigla nga, nagbago ang timpla ng ‘attitude’ ni Sarah Wurtzbach, ang sisteret ni Miss Universe 2015, Pia Alonzo Wurtzbach.

Ano na nga ba ang nangyari sa mga linyahan niyang ito vs Pia?

“I told you I was serious when I threatened you. I’m you sister but I’ll be your worst enemy. No problem.

“Kasi hindi ka emphatic? Ang superficial mong tao.

“Materialistic and superficial.

“Ask yourself, without the fame and money, who are you?

“Consider us finished as sisters.

“See? No reply. Hahamon ka ng away, tapos ayaw mong makipag-ayos. Di wag.

“Don’t confuse money and status for power.”

Anyway, agad-agad ngang nag-private si Sarah matapos ang sunud-sundo niyang Instagram story na laban kay Pia, at sa mismong nanay niya.

May sagot din siya sa Instagram na nag-sorry siya, lalo na noong ipaalala sa kanya kung paano mahalin ni Pia, at ng mismong mommy niya, ang mga anak niya.

Agad-agad din siyang nag-post sa IG story na tila kinukondena niya ang mga nagpa-follow sa kanya, na ang gusto lang ay makasagap ng tsismis.

“If you’re following for the sake of getting some gossip, then just unfollow me. I’m not tolerating idiots that don’t understand the gravity of the situation. Idiots!” sabi niya.

At yes, tila bigla nga ay naging kakampi pa siya ni Pia, na siya na ngayon ang tagapagtanggol ni Pia mula sa mga basher, matapos niyang simulan ang ‘gulo’.

“Stop hating on Pia. Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything. If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world.

“I’m fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you.

“I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things.

‘I really just want a hug… I feel so alone everyday.

“I’d rather vent my anger however I can, anyway I can so long as it can release pain form within. I wanna be able to make it tomorrow and wake up to my kids knowing that mommy hasn’t given up and she’s staying alive for us. Even though it’s easier to just end it all…”

Anyway, sa ngayon ay ang mga TikTok post ni Sarah ang makikita sa kanyang Instagram. At limitado na nga ang nakakasilip dito, dahil nag-private nga siya.

“Crazy bih. Keeping my account private until this dies down. Too many people bored in the house,” sey pa niya.

Sa kaso ni Pia, wala pa itong post, o reply sa mga pasabog ng kanyang utol. At habang isinusulat ito, parehong naka-unfollow sina Sarah at Pia sa isa’t isa sa Instagram.

The post I feel so alone everyday’ Sarah Wurtzbach atras sa giyera kay Pia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *