Hunk actor super atat nang magbalik-showbiz

Gustung-gusto nang bumalik sa kanyang trabaho ng isang hunk actor. Maayos na raw siya, kaya niya na uling magtrabaho, pero kumokontra ang kanyang pamil­ya.

The post Hunk actor super atat nang magbalik-showbiz appeared first on Abante News Online.

hunk actor super atat nang magbalik showbiz - Hunk actor super atat nang magbalik-showbiz
actor 1 - Hunk actor super atat nang magbalik-showbiz

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Hunk actor super atat nang magbalik-showbizGustung-gusto nang bumalik sa kanyang trabaho ng isang hunk actor. Maayos na raw siya, kaya niya na uling magtrabaho, pero kumokontra ang kanyang pamil­ya.

Matatagalan pa ang pinagdadaanan niyang proseso, kailangang maa­yos na maayos na siya sa kanyang pagbabalik, mas matindi pa pala sa nagdodroga ang kinahinatnan niya.

Kuwento ng aming source, “Maalaga siya sa katawan, hindi siya umiinom, wala siyang bisyo. Pero mas matindi pa sa nagbibisyo ang problema niya.

“Matindi pala talagang kalaban ang depression. Anytime pala, e, puwedeng­ umatake ‘yun! Mahirap kontrolin, kapag umatake pala ang sobrang depression, e, may puwedeng gawin ang meron nu’n!

“So, matinding rehabilitation pa ang kailangan niyang pagdaanan. Physically,­ e, walang problema sa kanya, mala­kas ang katawan niya sa puyat at pagod, pero mentally, kailangan pa siyang pagalingin,” malungkot na kuwento ng aming impormante.

Ang maganda sa pinagda­daanan ng hunk actor ay isandaang porsiyentong nakasuporta sa kanya ang pamil­ya ng kanyang ina. Ewan lang kung may tinatanggap siyang suprota mula sa kanyang ama.

“Ibang klase ang family ng mommy niya. Kung sino ang nangangaila­ngan ng tulong, walang nagdadamot sa kanila. Ibang klase silang magmahalan, todo ang suporta nila sa bawat isa.

“Nu’ng mabalitaan nga ng mga kapatid ng mommy niya ang nangyari sa kanya, e, agad silang nagdesisyon na ipa-rehab siya agad. Talagang tutok sa kanya ang buong angkan ng mother niya.

“Puro meron naman kasi sila, kayang-­kaya nilang tumulong, hindi na nga kinailangang magsalita ang mom niya, agad-agad nang nag-offer ng tulong­ ang mga tito at tita niya.

“Konting panahon pa at makababa­lik na siya. Wala siyang problema sa drugs, depression lang talaga ang umatake sa kanya,” pagtatapos ng ­aming source.

Gretchen galit sa pagbalewala ngpamangkin

Hindi mapanumbat si Gretchen Barretto. Pero galit siya sa mga walang utang na loob at sinungaling. ‘Yun ang dahilan kung bakit siya umalsa pagkatapos niyang mabasa ang post ng kanyang pamangking si Daniella.

Magpapakasal si Dani, si Marjorie lang daw ang gusto nitong maghatid sa kanya sa altar, etsapuwera ang kanyang amang si Kier Legaspi.

May mga rebelasyon si Dani, masa­ma ang loob nito sa kanyang ama na parang walang pakialam sa kanya, du’n na pumasok sa eksena si Gretchen.

Binalikan ni Gretchen ang nakaraan nu’ng ipinagdadalantao pa lang ni Marjorie si Dani, sila ni Claudine ang sumagot sa lahat-lahat, mula sa pagdadalantao at panganganak at hanggang nu’ng lumalaki na si Dani.

Ang tanging pagkakamali lang daw ni Kier, ayon kay Gretchen, ay hindi kasi ito mayaman na tulad ng mayor ng Caloocan na karelasyon ni Marjorie.

At nakikiusap pala si Kier na makasama si Dani kahit paminsan-minsan lang, pero hindi pumapayag si Marjorie, ayaw nitong magkita ang mag-ama.

Tandang-tanda pa namin na nu’ng nagsasama pa sina Marjorie at Dennis Padilla ay sa isang bahay nina Kuyang Tony “Boy” Cojuangco at Gretchen sa Loyola Grand Villas nakatira ang pamilya.

Napakalaki ng bahay, Japanese style, umalis na lang du’n ang pamilya nang maghiwalay na sina Dennis at Marjorie. Ganu’n magmahal si Gretchen sa kanyang mga kapatid, todo-todo siyang sumuporta, kaya hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ni Dani.

Hindi siya naghihintay ng kredito, pero kahit sila ni Claudine ay binalewa­la ni Dani, samantalang kung magtutuusan sila ngayon ay silang magkapatid ang tumayong pangalawang ina ng kanilang pamangkin.

Walang utang na loob si Dani, madiing paglalarawan nina Gretchen at Claudine, kaya si Kier Legaspi pa ba ang bibigyan ng importansiya ni Dani?

The post Hunk actor super atat nang magbalik-showbiz appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *