Humamig ng 5M view: ‘Pornstar’ nina Alma, Osang, Ara, Maui klik sa mga fan

Wish ko na sana ay mabitbit ng pelikulang “Paglaki ko, gusto kong maging PORNSTAR” ang nahakot nitong 5 million views sa ipinalabas na trailer ng movie na prodyus ng Viva Films.

The post Humamig ng 5M view: ‘Pornstar’ nina Alma, Osang, Ara, Maui klik sa mga fan first appeared on Abante.

humamig ng 5m view pornstar nina alma osang ara maui klik sa mga fan - Humamig ng 5M view: ‘Pornstar’ nina Alma, Osang, Ara, Maui klik sa mga fan
abante pornstar - Humamig ng 5M view: ‘Pornstar’ nina Alma, Osang, Ara, Maui klik sa mga fan

Wish ko na sana ay mabitbit ng pelikulang “Paglaki ko, gusto kong maging PORNSTAR” ang nahakot nitong 5 million views sa ipinalabas na trailer ng movie na prodyus ng Viva Films.

Ipinagmalaki ni Ara Mina sa Instragam ang balita tungkol sa million views na nahakot ng trailer ng movie nila na pinagbibidahan din nina Maui Taylor, Alma Moreno at Rosanna Roces.

Pinagsama-sama ang mga sexy star ng iba’t ibang era; si Alma sa dekada 70s-80s, Rosanna 90s, Ara Mina at Maui Taylor ng 20s.

Kung madadala ng million views ang manonood ng pelikula sa regular screening nito, ito ang unang movie project sa panahon ng pandemya na papatok sa takilya at magtatala ng history sa movie industry.

Medyo nakakaasiwa lang na makita sa promo ad si Alma na may tila hinahalikang saging sa larawan.

Kilalang public servant si Alma na ilang taon ding namuno sa grup ng mga konsehal sa Pilipinas. Kaya parang hindi na bagay sa estado nito ang ganitong photo.

Pero kailangang panoorin ang pelikula para maintindihan kung bakit nasa ganitong itsura ang binansagang “The Most Beautiful Bold Star of the 80’s”.

Anyway, nakakatawa, at sakit sa tiyan nga ang trailer, na umiikot sa pagsasama-sama ng mga laos na bold star, na kinuha para i-train ang mga baguhang bold star, o pornstar. Ang kuwela ng mga eksena nila, na matatawa ka talaga. Pero siyempre, may mensahe ang movie nila tungkol sa pinagdadaanan ng mga artistang tulad nila. (Rey Pumaloy)

The post Humamig ng 5M view: ‘Pornstar’ nina Alma, Osang, Ara, Maui klik sa mga fan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *