Huli sa CCTV: Resto nina Neri, Chito ninakawan

Naloka ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig nu’ng madiskubre nilang ninakawan sila sa kanilang resto-bar sa Tagaytay, ang “Neri’s Not So Secret Garden.”

The post Huli sa CCTV: Resto nina Neri, Chito ninakawan appeared first on Abante News Online.

huli sa cctv resto nina neri chito ninakawan - Huli sa CCTV: Resto nina Neri, Chito ninakawan
chito - Huli sa CCTV: Resto nina Neri, Chito ninakawan

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Huli sa CCTV: Resto nina Neri, Chito ninakawanNaloka ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig nu’ng madiskubre nilang ninakawan sila sa kanilang resto-bar sa Tagaytay, ang “Neri’s Not So Secret Garden.”

Ginamit ng mag-asawa ang kani-kanilang mga Instagram account para manawagan sa isang pamilyang kumuha ng mga Easter egg, toys nang walang paalam.

Sa kuwento ni Neri, sinabi niyang may isang pamilya na bumisita sa kanilang garden at pinag-interesan ang mga Easter egg at iba pang item.

Nagtaray at nagmura pa raw ang babae nu’ng sitahin at pagsabihang huwag kunin o galawin ang mga Easter egg, dahil nakalaan ‘yon sa nagpa-reserve para sa event nu’ng hapon na ‘yun.

Nang makali­ngat ang staff ni Neri, umalis na ang buong pamilya bitbit ang mga Easter egg at iba pang item.

Ang ikinabaliw ng mag-asawang Chito at Neri, pati mga batang kasama ay pinabayaang kumuha ng mga Easter egg na naglalaman ng toys at chocolate.

Nakunan ng CCTV ang buong pamilya. Malinaw ring makikita ang mga mukha ng mga ito kaya naman nanawagan sina Neri at Chito na ibalik ang mga kinuha ng mga ito.

Kung hindi ay ipu-post daw nila ang mukha ng mga ito sa social media para ipaalam ang pagnanakaw ng mga ito sa kanilang resto garden.

Nagdulot ng stress at problema kay Neri ang pagkawala ng mga Easter egg, gift dahil kinaila­ngan niyang maghanap ng ipapalit doon sa maik­ling oras.

Wala pang update sa mag-asawa kung naibalik na ba ang mga nanakaw sa kanila.

Kris Bernal tinalakan ng fan sa bikini photo

Binatikos si Kris Bernal sa kanyang Instagram post tungkol sa naging bakasyon niya nitong Holy Week. Nakapaskil sa IG ni Kris ang bikini photo niya na nakahiga sa buhangin at naka-stretch ang dalawa niyang mga kamay.

Nakasulat sa caption na nag-social media fasting ang Kapuso star.

“I went on a social media fast this holy week. It wasn’t a complete breakup cause I had few commitments. My decision to abstain massively improved my days. I realized that the less I connect myself with technology and social media, the more I feel human. I replaced the time I would be on my phone with prayer, reading scriptures about Jesus and reflect about myself, my life, I find myself wanting to watch more sunsets, observe people, notice flowers, read good books, and have a deep and real conversation with the people around me. Yes, all that so much. And, I like me better without technology. Happy Sunday,” sabi niya.

Kinainasan si Kris ng ilang follower niya dahil sa hindi tugma ang religious thought ng mensahe nito sa nakabalandrang bikini photo ng aktres.

@besha1905, “Sarap basahin nun caption e, social media fasting, abstaining oneself from social media, Prayer reading scriptures blah-blah, then posted it with the picture in a bikini.”

Dedma lang si Kris sa batikos sa kanya na parang wala siyang nabasang comment.

Pokwang ginutom sa Hawaii airport

Napaluha si Pokwang sa kagandahang loob na ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng mga Pilipino habang nasa Hawaii airport siya. Naka-post sa Instagram ni Pokwang ang larawan niya kasama ng mga Pinoy staff sa airport.

Makikitang may hawak siyang sandwich sa photo.

Sa caption, ikinuwento ni Pokwang na galing siya ng Las Vegas kung saan nag-show sila, at dumiretso siya agad sa Hawaii. Wala raw siyang tulog at pagod na pagod sa biyahe.

Ilang oras na raw siyang naghihintay sa pagdating ng kanyang mag-ama (Lee O’Brian at Malia) na manggagaling ng Pilipinas. Dahil na-delay ng anim na oras ang flight ng kanyang mag-ama, walang choice si Pokwang kundi ang maghintay sa loob ng airport.

Gutom na gutom na si Pokwang sa paghihintay sa mag-ama niya. Hindi niya magawang bumili ng pagkain dahil ayaw niyang iwan ang kanyang mga bagahe.

Awang-awa si Pokwang sa sarili, na obviously ay wala siyang kasamang personal assistant. Nakita siya ng ilang mga Pinoy sa kalagayan niyang ‘yon kaya sinamahan siya at binilhan pa ng pagkain.

Naantig ang damdamin ng komedyana kaya napaluha siya sa pagmamagandang loob ng kapwa niya Pilipino.

The post Huli sa CCTV: Resto nina Neri, Chito ninakawan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *