Home run ni Correa tumalo sa Yankees

NAG-DELIVER si Carlos Correa ng leadoff home run sa 11th inning at tinakasan ng Houston Astros ang New York Yankees 3-2 Linggo ng gabi.

home run ni correa tumalo sa yankees - Home run ni Correa tumalo sa Yankees
baseball 3 - Home run ni Correa tumalo sa Yankees

NAG-DELIVER si Carlos Correa ng leadoff home run sa 11th inning at tinakasan ng Houston Astros ang New York Yankees 3-2 Linggo ng gabi.

Pagkatapos ng Game 2 na nauwi sa showdown ng bullpens, tabla sa tig-isang laro ang AL (American League) Championship Series.

Pinalipad ni Correa sa kabilang dulo ng field ang bato ni JA Happ.

Pinanood muna ni Correa ang flight ng bola bago nagtaas ng isang daliri habang iniikot ang bases.

Palapit sa home plate, ibinato niya ang helmet na parang tumitira ng basketball sa teammates na naghihintay sa kanya.

Game 3 sa Martes (Miyerkoles sa Manila) sa Yankee Stadium.

Si Gerrit Cole ang starter ng Astros laban kay Luis Severino. Sa huling 24 starts ay 18-0 si Cole, major league leader sa strikeouts.

“The game of baseball, it’s a beautiful game,” ani Correa.

Gumamit ng 9 pitchers ang Yankees para pantayan ang League Championship record.

Isang run lang at dalawang hits ang binigay ng walong relievers, may 11 strikeouts bago ang homer ni Correa na tumapos sa larong tumagal ng 4 hours, 49 minutes. Magha-hatinggabi na nang matapos ang laro.

Bumato ng pinagsamang 4 1/3 innings ng one-hit shutout ball ang limang relievers ng Houston na humalili kay Justin Verlander.

“Our bullpen was nasty, gave us a chance to win the game,” dagdag ni Correa. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *