Hollywood actor super bilib kay Sharon

Sa pamamagitan ng Instagram ay nag-post ang Fil-American actor na si Reggie Lee ng kanyang paghanga kay Megastar Sharon Cuneta. Sa mga hindi nakakaalam ay matagal nang magkaibigan sina Sharon at Reggie, at BFF (Best Friends Forever) ang tawagan nila.

The post Hollywood actor super bilib kay Sharon appeared first on Abante News Online.

hollywood actor super bilib kay sharon - Hollywood actor super bilib kay Sharon
sharon 2 - Hollywood actor super bilib kay Sharon

Sa pamamagitan ng Instagram ay nag-post ang Fil-American actor na si Reggie Lee ng kanyang paghanga kay Megastar Sharon Cuneta.

Sa mga hindi nakakaalam ay matagal nang magkaibigan sina Sharon at Reggie, at BFF (Best Friends Forever) ang tawagan nila.

Kabilang si Lee sa naging audience ni Sharon sa concert nito na 40 Years US & Canada sa Alex Theater in Glendale, California noong nakaraang April 1.

Humanga si Lee sa professionalism ni Sharon na kahit na na-delay nang apat na oras ang concert dahil sa naging flight nito mula Toronto, Canada, nagawa pa rin daw na mag-perform nito kahit na dumating ito sa venue straight from the airport, hindi na raw ito nagpalit ng kanyang suot na pambiyahe at magiliw pa rin itong humarap sa audience at kumanta.

Hindi raw pinahalata ni Sharon na pagod ito dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanyang fans. Kaya naman pinost ni Lee ang photo nila ng BFF niyang si Sharon kung saan mahigpit ang yakap niya rito at ito ang nilagay niyang caption:

“This lady never ceases to amaze me. She did a concert in Toronto the night before and after a more than 10 hour flight delay this morning, no sleep the night before, and a several hour delay of her show due to the flight delay, stepped onstage at the Alex Theatre directly from the airport a little later than 10pm with nothing but a sense of humor, a glorious voice, and a whole lotta love for her fans. It’s no wonder the entire crowd stayed through a 4 hour delay in the show. She is so loved and she gives it right back. Thanks for gracing us with an amazing show @reallysharoncuneta . And thank you for your boundless talent, generosity, and friendship. Congrats on your 40th year in this business we call ‘show’. #BFF #megastar.”

Sa isang separate post, na-touch si Sharon sa pag-attend ni Reggie sa kanyang concert na nanggaling pa ito sa shoot ng CBS show nito na “Under The Bridge.”

“My BFF Reggie Lee had to reshoot some scenes for his new CBS show’s pilot. And then he watched my concert! After GRIMM the series we all love, he’s been guesting on shows like ‘Fresh Off the Boat,’ etc. Watch out for this new show, ‘Under the Bridge!’ Love you, BFF!
See you again – you know it’ll be real soon! Hahahaha!” caption pa ni Sharon.

Lumabas na sa maraming Hollywood movies at TV series si Reggie Lee (Reggie Valdez in real life) na taga-Quezon City at nag-migrate sa US kasama ang kanyang pamilya when he was 5-years old.

Pagkatapos nitong sumama sa national tour ng Miss Saigon sa edad na 17, he pursued acting sa Los Angeles, California in 1992 kung saan lumabas siya sa iba’t ibang theater musicals at small parts sa film at TV.

Nagmarka si Lee sa kanyang film roles as Lance Nguyen sa “The Fast & The Furious” (2001), Tai Huang in “Pirates of the Caribbean: At World’s End” (2007), Byong in “Tropic Thunder” (2008) at bilang GCPD Officer Ross in “The Dark Knight Rises” (2012).

Sa TV ay kilala siya bilang si Bill Kim sa “Prison Break” (2006-2007) at bilang Sgt. Drew Yu sa “Grimm” (2011-2017).

Kasaluku­yang ginagawa ni Lee ang CBS drama na “Under The Bridge” kung saan co-stars niya sina Jennifer Morrison, David Ajala and Sarayu Blue.

The post Hollywood actor super bilib kay Sharon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *