HLG highest grossing Filipino film: KathNiel taob sa KathDen

Sa naganap na thanksgiving party para sa tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye” nitong Martes ng gabi, inanunsyo na nga na umabot na ng P880,603,490 ang kinita nito worldwide.

hlg highest grossing filipino film kathniel taob sa kathden - HLG highest grossing Filipino film: KathNiel taob sa KathDen
kathden 4 - HLG highest grossing Filipino film: KathNiel taob sa KathDen

Sa naganap na thanksgiving party para sa tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye” nitong Martes ng gabi, inanunsyo na nga na umabot na ng P880,603,490 ang kinita nito worldwide.

At ang mas magandang balita pa riyan, ayon sa Star Cinema, ito na ang highest grossing Filipino film, which means nalagpasan nito ang pelikula ni Kathryn Bernardo kasama si Daniel Padilla na “The Hows Of Us”.

Dahil diyan, siyempre’y nagbigay ng speech sina Kath at Alden Richards upang pasalamatan ang mga sumuporta at naging gabay nila para makamit ang tagumpay na ito.

Naikuwento nga ni Kathryn na sulit na sulit ang pinagdaanan nila sa shooting ng pelikula. At yes, sinabi ni Kathryn na mahal na mahal niya ang cast, at ipaglalaban daw niya ang mga ito hanggang sa huli.

Umaasam din si Kathryn na magkaroon ng part 2 ang “Hello, Love, Goodbye” nila ni Alden. At hihintayin daw nila ang pagbabalik ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Maluha-luha nga si Kathryn habang nagsasalita sa harap ng mga big boss ng Star Cinema, at ABS-CBN. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *