Hiwalay na kay Gerald? Julia malungkot, puno ng hugot sa ‘Luha’

May pinagdadaanan ba si Julia Barretto ngayon, na pinaghuhugutan ng kasalukuyan niyang paboritong kanta, ang ‘Luha’ ni @ADADIEEE o ni Adie Garcia.

The post Hiwalay na kay Gerald? Julia malungkot, puno ng hugot sa ‘Luha’ first appeared on Abante.

hiwalay na kay gerald julia malungkot puno ng hugot sa luha - Hiwalay na kay Gerald? Julia malungkot, puno ng hugot sa ‘Luha’
abante gerald anderson 3 - Hiwalay na kay Gerald? Julia malungkot, puno ng hugot sa ‘Luha’

May pinagdadaanan ba si Julia Barretto ngayon, na pinaghuhugutan ng kasalukuyan niyang paboritong kanta, ang ‘Luha’ ni @ADADIEEE o ni Adie Garcia.

May ganap ba sa ‘relasyon’ nila ni Gerald Anderson ngayon? O sadyang bet na bet lang niya ang malungkot na kanta na Luha?

Anyway, pasok nga sa playlist ni Julia ang ‘Luha’ na sa totoo lang ay awitin ng mga sawi. Sa mga linya pa lang, maiiyak ka na talaga.

Sabi nga ng kanta:

“Dahan-dahang pumapatak sa aking mga mata, dulot ng kalungkutan…

“Nanginginig sa lamig, unti-unting winawalis ng tadhana ang ngiti sa iyong labi…

“Naliligaw, nauuhaw, kailangan ko ikaw…

“Umalis ka man, bukas lang ang pinto, maghihintay sa iyong pagbabalik…

“Nasa sulok lang magbibilang ng araw hanggang sa yumakap kang muli…

“Nakatulala habang pumapatak ang luha…

“Pinapanalangin ko na sana muli kang maghagkan…

“At aking mahawakan ang iyong kamay na sa akin lang nakalaan…

“O kay sarap balik-balikan ‘di ko kayang kalimutan kahit ang puso ko ay sugatan pati mga mata ay luhaan…”

Kaloka ang lyrics, di ba? Awitin ng mga sawi, awitin ng mga taong wasak ang puso, at naghihintay, umaasa sa pagmamahal ng kanilang minamahal, o minahal.

Well, aminado nga si Julia na in love siya ngayon, pero bakit malungkot ang kanta na bet niyang pakinggan ngayon? O baka naman kaibigan niya ang singer ng Luha? Alamin natin `yan…(Dondon Sermino)

The post Hiwalay na kay Gerald? Julia malungkot, puno ng hugot sa ‘Luha’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *