Hiwalay na kay aktor: Batang aktres nanganak sa San Juan nu’ng March 12?

Matagal nang usap-usapan na buntis daw ang isang young actress na nawala ng ilang buwan at nagbakasyon somewhere out there matapos ang kanyang palabas. Ang hatid na chika sa akin ng isang impormante ay she’s back in town! But how true na nagsilang na diumano ito sa isang private hospital in San Juan City nito […]

The post Hiwalay na kay aktor: Batang aktres nanganak sa San Juan nu’ng March 12? appeared first on Abante News Online.

hiwalay na kay aktor batang aktres nanganak sa san juan nung march 12 - Hiwalay na kay aktor: Batang aktres nanganak sa San Juan nu’ng March 12?
ABANTE actress staff maldita - Hiwalay na kay aktor: Batang aktres nanganak sa San Juan nu’ng March 12?

abante francahan france simeon 336x224 - Hiwalay na kay aktor: Batang aktres nanganak sa San Juan nu’ng March 12?

Matagal nang usap-usapan na buntis daw ang isang young actress na nawala ng ilang buwan at nagbakasyon somewhere out there matapos ang kanyang palabas.
Ang hatid na chika sa akin ng isang impormante ay she’s back in town! But how true na nagsilang na diumano ito sa isang private hospital in San Juan City nito lamang March 12 lang?

Kung truelajet man ang chikang ito, I’m sure, ang guwapo o maganders din ang baby nila ng ma­tagal na ngang nali-link sa kanya na aktor na talaga naman na bagay silang dalawa, kahit malaki ang age gap nila!

‘Yun nga lang, totoo rin kaya na hiwaley na talaga ang young actress at aktor, at ang bagong kaparehang another batang aktres ng huli sa kanilang programa ang jowa na nga ba talaga nito ngayon o pinopormahan? Nagka-develop-an na nga kaya sila?

Naalala ko, may isang mamahaling sasak­yan ang aktor na kapareho ng sa young actress na regalo niya rito.

Ronnie, Jameson tsutsugiin na sa ‘Showtime’

Hindi na pala araw-araw napapanood sa It’s Showtime ang Hashtags! Every Tuesday na lang daw sila napapanood nang buo simula nang nagalit daw sa boy group si Vice Ganda nu’ng grand finals ng Miss Q & A, dahil absent sina Zeus Collins at Kid Yambao na nagkataong may mga raket nu’ng araw na ‘yon.

Siguro okey lang kay Vice at sa mga bossing ng It’s Showtime kung ang raket nila ay isang guesting or taping para sa ibang shows ng ABS-CBN. Pero kung magkaganyan man, baka payagan naman sila ng executive producers ng ibang programa na pumasok muna sa noontime show bago mag-taping o guest sa kanila, dahil ang priority pa rin dapat nila ay ang It’s Showtime.

Mukhang nasabon daw nang bonggang-bongga ang Hashtags nang ipinatawag sila sa meeting. May kumuda kaya talaga sa kanila na pinagkakakitaan nila ang Showtime?! Da who kaya kung totoo man? Well, sana hindi ‘yan totoo. But if yes, para pangaralan lang sila at ilagay sa isip nila na kahit gaano na sila kasikat ngayon at marami na silang karaketan sa loob at labas ng ABS, i-prio­ritize pa rin dapat nila ang It’s Showtime na nagtiwala at unang nagbigay ng chance sa kanila na makilala sa mundo showbiz.

Dahil sa insidente, naapektuhan daw tuloy ang ibang Hashtags members na wala masyadong raket at ibang shows sa Kapamilya network. Totoo kaya na ang ilan sa kanila ay maliit lang ang ­talent fee?

Mabuti na lang, ang iba sa kanila ay nagho-host pa rin daw sa online segments ng It’s Showtime, from Mondays to Saturdays.

Nakarating din sa akin na mawawaley na raw sa Hashtags at It’s Showtime sina Ronnie Alonte at Jameson Blake dahil wala na raw oras para makapasok sa It’s Showtime ang da­lawa sa dami ng projects at mga raket. Talaga ba? Eh, si baby McCoy de Leon kaya?

The post Hiwalay na kay aktor: Batang aktres nanganak sa San Juan nu’ng March 12? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *