Hindi pa patay ang AlDub — Maine

Iginiit ni Maine Mendoza na kahit may kanya-kanyang silang ginagawa nina Alden Richards ay buhay na buhay pa rin ang AlDub (Alden-Yaya Dub). Hindi raw sila pinaghihiwalay at magkasama pa rin sila halos araw-araw sa “Eat Bulaga”. Kahit may kanya-kanya silang mga project ay hindi nawawala ang mga AlDub fan na pareho silang sinusuportahan.

hindi pa patay ang aldub maine - Hindi pa patay ang AlDub — Maine
maine - Hindi pa patay ang AlDub — Maine

abante talbog joe barrameda 336x224 - Hindi pa patay ang AlDub — MaineIginiit ni Maine Mendoza na kahit may kanya-kanyang silang ginagawa nina Alden Richards ay buhay na buhay pa rin ang AlDub (Alden-Yaya Dub). Hindi raw sila pinaghihiwalay at magkasama pa rin sila halos araw-araw sa “Eat Bulaga”. Kahit may kanya-kanya silang mga project ay hindi nawawala ang mga AlDub fan na pareho silang sinusuportahan.

Suportado ni Maine ang pelikula nina Alden at Kathryn Bernardo.

Hinihikayat pa nga ni Maine ang mga fan na panoorin ang pelikula ng KathDen. Panonoorin daw niya ito kapag may free time na siya.

Mag-uumpisa na rin ang shooting ng pelikula nila ni Carlo Aquino at ‘yung pang-MMFF nila ni Bossing Vic Sotto.

Sa project daw with Carlo ay mga bagong production staff ang makakatrabaho niya at isa nga namang panibagong experience ito.

Anyway, sa ikatlong pagkakataon ay nag-renew ng endorsement contract si Maine sa Betadine Fresh Bliss. Aminado ang Mundi­pharma na malaki ang naitutulong ni Maine sa produkto nila. Sabi nga nila ay ang fresh ni Maine.

Bianca lumabas ang tapang

Gabi-gabi kahit sa-an kami naroroon ay nakatutok kami sa “Sahaya”. Napakagaling talaga ni Bianca Umali. Lumabas ang tapang niya na sabayang nakikipagsabunutan kina Ana Roces at Snooky Serna.
Lalo ngayong nalaman na niya na si Zoren ang tunay niyang ama. Mukhang pumupunta na sa climax ang story although marami pang mangyayari. Naku, parang tapos na ang era ni Jordan at pabalik na ng Manila si Akmad. Tignan ko kung ano ang susunod na kabanata.

More power ‘Abantelliling’!

Happy anniversary sa “Abantelliling”, na kung saan ay si Ruru Madrid ang u­nang naging guest nila last Aug. 1, 2018. More power sa mga host na sina Dondon Sermino at Rey Pumaloy.
Sana ay mas marami pang artista ang ma-interview niyo. At nakakatuwa na dahil sa online show niyo ay nagsipaggayahan na rin ang ibang tabloid, broadsheet, at nagtayo na rin sila ng kani-kanilang mga show.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *