Hindi pa buwag: MayWard magpapakilig sa bagong project

Sure ako na lumulundag sa tuwa ang mga MayWard fan ngayon, dahil heto nga at inanunsiyo na ni Edward Barber sa MYX Daily Top 10, na may pinaghahandaan na silang bagong project kasama ang ka-loveteam niyang si Maymay Entrata.

hindi pa buwag mayward magpapakilig sa bagong project - Hindi pa buwag: MayWard magpapakilig sa bagong project
abante maymay 1 - Hindi pa buwag: MayWard magpapakilig sa bagong project

Sure ako na lumulundag sa tuwa ang mga MayWard fan ngayon, dahil heto nga at inanunsiyo na ni Edward Barber sa MYX Daily Top 10, na may pinaghahandaan na silang bagong project kasama ang ka-loveteam niyang si Maymay Entrata.

“I can’t say what we’re cooking up for you, guys… but it was a really great week. And I can say that what’s happening next is gonna be something really, really exciting,” sey ni Edward.

Kwento pa niya na nagwo-workshop sila ngayon ni Maymay sa tulong ng aktres at acting coach na si Ana Feleo.

“My week so far has been really, really tough. It’s been challenging, but it’s been great.”

Habang wala pa ang proyekto napapanood ang dalawa sa iWant ASAP tuwing Linggo.

Samantala si Maymay naman ay kabilang sa pinakaunang lovecast series ng bansa na “Four Bad Boys and Me” ng Star Cinema kung saan gaganap siya bilang isang DJ at narrator.

Bukod sa on-going projects ng dalawa, naging aktibo at vocal rin ang MayWard sa pagsuporta na maibalik sa ere ang ABS-CBN. Hindi lamang sila nag-ingay sa social media kundi laging present din sila sa mga noise barrage na isinagawa ng mga kapwa nilang empleyado sa Dos.

Para sa MayWard, malaki ang utang na loob nila sa Kapamilya network dahil ito ang naging tulay nila sa pangarap nilang maging mga artista at makatulong sa kani-kanilang pamilya. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *