Hindi ko sila iiwan — Jake

Pag-upo pa lang ng Pangulo ng bansa na si President Rodrigo Duterte ay napag-uusapan na ang diumano’y hanggang 2020 na lang na franchise ng ABS-CBN at sa takbo ng mga pangyayari, may posibilidad na baka hindi ito i-renew.

The post Hindi ko sila iiwan — Jake appeared first on Abante News Online.

hindi ko sila iiwan jake - Hindi ko sila iiwan — Jake
ABANTE jake - Hindi ko sila iiwan — Jake

By Rose Garcia

ABS-CBN magsasara sa 2020?

Pag-upo pa lang ng Pangulo ng bansa na si President Rodrigo Duterte ay napag-uusapan na ang diumano’y hanggang 2020 na lang na franchise ng ABS-CBN at sa takbo ng mga pangyayari, may posibilidad na baka hindi ito i-renew.

Ngayong taon ay mainit itong usapin, lalo na ang biglaang paglabas ng ilang statement ni Jimmy Bondoc. At ang kamakailan lang na lumabas na diumano’y posibleng ma-freeze ito ng Kongreso.

Nakausap namin si Jake Cuenca na bida ng pelikula ng Bell Films na “KontrAdiksyon” (sa June 26 ang showing) kung ano ang masasabi niya tungkol sa isyung ito bilang isang Kapamilya.

“Hindi namin alam, wala kaming alam,” ang mabilis na sagot ni Jake nang tanungin namin tungkol dito.

Sa parte raw kasi niya, ang alam niya lang, kahit na may ganyang mga balita, may bago raw siyang kontrata sa network.

“Ang alam ko lang binigyan ako ng kontrata. So it shows kung ano ang confidence na dala-dala ng ABS-CBN. Kakabigay lang sa akin ng first draft ng kontrata ko last week.”

Fifteen years na rin daw siyang Kapamilya simula nang lumipat siya rito mula sa pagiging Kapuso. Hindi raw niya alam kung ano ang totoong estado tungkol sa diumano’y pag-freeze ng franchise renewal.

“Hindi namin alam kung ano ang estadong mangyayari pero kaming mga taga-ABS, ganu’n kami na nandito rin para sa ABS-CBN. Sila, nagsugal sila para sa akin. Sila ang sumugal para sa akin so sa panahon ng ginhawa o panahon ng dehado, nandito ako sa ABS.

“Nagpakita sila ng kontrata sa akin, hindi natin alam kung saan papunta. Kung digital man ‘yan or what, we all wish for the best.”

The post Hindi ko sila iiwan — Jake appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *