Hindi ko pamangkin si Julia – Gretchen

Medyo nalito yata ang mga netizen sa away ni Bea Alonzo kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

hindi ko pamangkin si julia gretchen - Hindi ko pamangkin si Julia – Gretchen
ABANTE Ful - Hindi ko pamangkin si Julia – Gretchen

Nakaladkad sa galit ng mga fan:

Medyo nalito yata ang mga netizen sa away ni Bea Alonzo kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Nalito, dahil ang komento ni Gretchen Barretto na ‘Bea for the win’ ay parang naipasa kay Gret­chen Fullido.

Sabi kasi ng ilang netizen kay Ms. Fullido: “Tama po yun, hindi porke pamangkin mo si Julia dapat kampihan mo na sya.”

At sagot nga ni Ms. Fullido; “Teka lang, hindi ko po pamangkin si Julia…” na dinugtungan niya ng hashtag na #TitaGretchen.

Sambit pa ni Ms. Fullido, “Wait lang, bakit ako nasali dito? I’m the other #TitaGretchen!”

Anyway, naloka nga si Ms. Fullido dahil sa mga mensahe, direct message na natanggap niya.

Kaloka, ‘di ba? Hahahahaha! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *