Hindi ko need ng ka-love team- Alden

HINDI KO NEED NG KA-LOVE TEAM — ALDEN

Matapos ang tagumpay sa box-office ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye”, tinuturing ng Kapuso actor na hindi na nito kailangan pa ng ka-love team para magtagumpay.

hindi ko need ng ka love team alden - Hindi ko need ng ka-love team- Alden
alden richard - Hindi ko need ng ka-love team- Alden

Matapos ang tagumpay sa box-office ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye”, tinuturing ng Kapuso actor na hindi na nito kailangan pa ng ka-love team para magtagumpay.

“Minsan hindi talaga kailangang nasa isang love team ang tao,” ani Alden habang nasa official launch ng kanyang athleisure collection na Avel x Alden.

Nagbalik-tanaw pa si Alden sa dating ka-partner na si Louise delos Reyes na aniya’y naging matagumpay din naman.

“That was also successful, and hindi kami in real life,” dagdag pa ng aktor.

Lalong umariba ang career ni Alden nang maipareha kay Maine Mendoza sa kanilang AlDub tandem. At bagama’t tutol ang AlDub Nation sa tambalan naman nila Alden at Kathryn Bernardo sa HLG, pinatunayan ng resulta ng pelikula na hindi siya iniiwan ng kanyang solid fans.

Para kay Alden, ito ay isang bagay na tungkol sa paggamit ng talentong ipinagkaloob ng Diyos na nagdadala ng tagumpay sa bawat pelikula o palabas na kinabibilangan niya.

Isang bagay na tinuturing ng mga fan na sulit talaga na paglaanan ng kanilang pera at oras.

At tila kinakasihan talaga ng suwerte at biyaya ang Pambansang Bae dahil nabibigyan siya ng mga proyektong patok sa panlasa ng mga manonood.

“Naniniwala po ako na kapag mahusay at maganda ang materyal, doon kakapit ang manunuod,” dagdag pa ni Alden.

Nakatakdang magbalik primetime ang aktor sa darating na Setyembre para sa “The Gift” sa GMA-7. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *