Hindi ko minumura ang mga fan ko — JK

Hindi nga makakanta muna si JK Labajo ngayon dahil may sakit pa rin siya. Ilang shows na ang hindi niya napunta­han, dahil sa sakit na ‘yon.

The post Hindi ko minumura ang mga fan ko — JK appeared first on Abante News Online.

hindi ko minumura ang mga fan ko jk - Hindi ko minumura ang mga fan ko — JK
Jk - Hindi ko minumura ang mga fan ko — JK

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Hindi ko minumura ang mga fan ko — JKHindi nga makakanta muna si JK Labajo ngayon dahil may sakit pa rin siya. Ilang shows na ang hindi niya napunta­han, dahil sa sakit na ‘yon.

At kahapon nga, hindi rin siya nakapunta sa isang probinsya na nagdaraos ng festival. Pero, magalang naman na humingi ng paumanhin si JK sa mga fan niya sa naturang lugar, na hindi nga siya makakapunta dahil hindi pa raw siya magaling.

Wish niya na gu­maling na siya dahil marami-rami nga silang raket na nata­nguan na dapat puntahan. Heto ang post niya:

“Pasensiya na sa mga pupunta sana sa shows namin sa Zambales at Isabela. Di na matutuloy ang performance namin diyan kasi nagkasakit si papa dante niyo. Magpaga­ling lang muna ako tapos magkita kita tayo sa susunod pag naka recover nako. Maraming salamat at pasensiya na ulit. luv u. – JK”

Anyway, nag-post ulit si JK sa kanyang Instagram story tungkol sa mga tao na sinasabing masama ang ugali niya. Heto ang IG story niya:

“Ah si JK? Yan masama ugali niyang batang yan.

“Ang sabing uto-uto na hindi naman ako kilala at ginawang basehan ang video na nakita sa facebook.

“At saka hindi ko minumura mga fans ko. Kaya nga minura ko yung sa Rakrakan Fest kasi di ko naman fan yun. Yung mga fans ko kasi hindi bastos. Yung mga fans ko kasi marunong rumespeto. Yung mga fans ko kasi hindi makikitid ang utak.”

‘Nota’ ni Paolo dinakma ni Apo Whang-Od

Tiis-ganda si Paolo Ballesteros sa pagpapa-tattoo kay Apo Whang-Od.

“Tribal Tattoo Experience. Paolo Bal­lesteros with Mababatok Whang-Od,” caption ng “Eat Bulaga” Instagram account.

“Ang sakit!” reaksiyon ni Paolo.

Kunsabagay, makikita naman sa mukha ni Paolo sa Instagram post ng “Eat Bulaga” ang sakit. Halos ngumiwi nga ang mukha niya sa ginagawa sa kanya ni Apo Whang-Od.

Pero siyempre, tulad ng ibang mga nagpapa-tattoo kay Apo Whang-Od, hindi nakaligtas si Paolo sa mapagbigong kamay niya.

Yes naman, dumapo talaga ang kamay ni Apo Whang-Od sa “nota” ni Paolo, na madalas nga niyang ginagawa sa ibang mga kalalakihan na nagpapa-tattoo sa kanya.

“Mabilis talaga kamay ni Apo Whang-Od,” sabi ni Paolo sa photo na nakapatong ang kamay ni Whang-Od sa ari niya.

“Ang sarap dalhin ni Lola sa inuman. Hahahahaha!” dugtong na reaksiyon pa ni Paolo.

Nasa Banaue (Ifugao Province) nga si Paolo, kasama si Maine Mendoza para sa taping ng Lenten Presentation ng “Eat Bulaga.”

The post Hindi ko minumura ang mga fan ko — JK appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *