Hindi kami magkaaway ni Kathryn — Nadine

Iba’t ibang timpla ng tambalan ang sinusubok ngayon sa industriya ng pelikula. At may mga nag-iisip na pagsamahin sa isang pelikula sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

The post Hindi kami magkaaway ni Kathryn — Nadine appeared first on Abante News Online.

hindi kami magkaaway ni kathryn nadine - Hindi kami magkaaway ni Kathryn — Nadine
ABANTE nadine 1 - Hindi kami magkaaway ni Kathryn — Nadine

Iba’t ibang timpla ng tambalan ang sinusubok ngayon sa industriya ng pelikula. At may mga nag-iisip na pagsamahin sa isang pelikula sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

At yes, open si Nadine sa idea na ‘yon.

“Bakit naman po hindi? Kung mayroon namang magandang material para sa aming da­lawa. I mean hindi naman kami (magkaaway), ok naman po kami e, hindi naman kami nag-aaway in real life. So I guess, ok naman,” sabi ni Nadine.

Well, nagpapaligsahan nga ngayon sina Nadine at Kathryn sa pagtanggap ng mga award dahil sa akting. Pero hindi umano nakiki­pagkompetensya si Nadine.

Sa ngayon ay parehong busy ang dalawa. Si Nadine sa pelikulang “Indak” kasama si Sam Concepcion, at si Kathryn sa “Hello, Love, Goodbye” kasama si Alden Richards.

Pero, ano nga kayang role ang bagay sa dalawa? Ang bongga siguro kung kambal ang role nila, na isa sa kanila ay kontrabida. At sino ang gaganap na kontrabida sa kanila? ‘Yan ang dapat abangan! (Athena Yap)

The post Hindi kami magkaaway ni Kathryn — Nadine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *