Hindi ako bayarang babae – Chienna

Dream come true ang maging guest sa “Tonight With Boy Abunda” nu’ng Miyerkoles para kay Girltrend Chienna Filomeno. Excited niya itong ibinahagi sa mga follower niya sa Instagram.

The post Hindi ako bayarang babae – Chienna appeared first on Abante News Online.

hindi ako bayarang babae chienna - Hindi ako bayarang babae – Chienna
Abante 2019 Chienna Filomeno - Hindi ako bayarang babae – Chienna

Dream come true ang maging guest sa “Tonight With Boy Abunda” nu’ng Miyerkoles para kay Girltrend Chienna Filomeno. Excited niya itong ibinahagi sa mga follower niya sa Instagram.

Mainit din siyang tinanggap ni Tito Boy sa programa, na unang tinanong ang nasa tweet ng isang fan na kung ano ang sikreto nito sa kanyang sexy figure at tips para sa #SummerBodyGoals.

Sabi naman ng aktres na depende ito sa kinakain, at mahalin ang sarili dahil maggo-glow ka talaga kapag minahal ang sarili. Payo pa ng aktres na dapat isiping matangkad ka na parang 5’11” ang height kapag pumo-pose.

Sumampol pa ang aktres ng ilang mga pose na ginagawa niya sa Instagram.

Kuwento pa niya ay sa Japan siya ipinanganak at nagpunta sila ng Pilipinas nu’ng 2 years old siya. Naging emosyonal pa siya sa pagkuwento na nawalan ng trabaho ang kanyang ama, kaya siya nag-showbiz.

Sunod naman ay uminit na ang usapan sa tanong ni Tito Boy kung may kagalit ba si Chienna sa mga kapwa Girltrend. Parehas na itinaas ni Chienna ang salitang ‘legit’ at ‘lie’ dahil may mga nagsumbong daw sa kanya na may sinasabi umano tungkol sa kanya sina Dawn at Erin sa mga oras na wala siya sa “It’s Showtime.”

Kinompronta raw ni Chienna ang dalawang kapwa Girltrend pero wala siyang nakuhang sagot at pinili na lang daw maging understanding sa sitwasyon.
Hindi naman nagpaligoy-ligoy si Chienna sa sagot na ‘legit’ nang tanungin siya kung retokada ba ang kanyang ilong.

“There’s nothing wrong in enhan­cing in something that you have. It’s a choice, it’s your own choice as long as wala kang natatapakang ibang tao, go with it,” paliwanag ng aktres.

Sunod na tanong naman ay kung pinagkakakitaan ba niya ang kanyang katawan, at agad ding sumagot ang aktres na hindi totoo iyon. Ilang beses na raw niyang naririnig ang mga paratang sa pagiging ‘bayarang babae’ niya, at ilang ulit na raw niyang sinabi na hindi totoo ‘yon. Pero pilit nga raw pinaniniwalaan ng mga tao ang mga bagay na sila lang ang gustong maniwala. (Athena Yap)

The post Hindi ako bayarang babae – Chienna appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *