Hindi ako bakla — Darren

Bongga ang YouTube channel ni Kyle Echarri, dahil may mga isyu na nasasagot, na bulung-bulungan lang noon.

The post Hindi ako bakla — Darren first appeared on Abante.

hindi ako bakla darren - Hindi ako bakla — Darren
darren - Hindi ako bakla — Darren

Bongga ang YouTube channel ni Kyle Echarri, dahil may mga isyu na nasasagot, na bulung-bulungan lang noon.

Sa latest vlog niya na ‘Anong nangyari sa potato squad? Real walk with Darren Espanto’, napag-usapan nga ang tungkol sa pinagdududahang ‘pagkalalake’ ni Darren.

“Ayoko ng mga sweet-sweet, pakilig-kilig na mga tanong,” pasakalye ni Kyle.

Puwede ngang maging talk show host si Kyle, na bongga bumanat sa mga maintrigang tanong. Tinanong niya si Darren kung paano nito hina-handle ang mga basher, mga plastic na tao sa industrya.

“Just don’t mind them. Kasi sa industriyang ginagalawan natin, kasama sa mundo natin ang mga bashers. I personally don’t mind them. And I know na wala naman silang mas magandang ginagawa sa buhay kesa sa akin. Like, come on. Who cares about them?” sabi ni Darren.

Susog na taong ni Kyle, kung ano raw ba ang noon pa man ay ibina-bash na kay Darren, na gusto niyang sagutin ngayon.

“A lot of people, sinasabi, ‘oh, bakla `yan. Eversince ‘The Voice Kids’, when I started singing song na for girls, or like, I have a high voice, in general, they always assume my sexual preference pretty much.

“I’m straight! Yun lang parang wala na silang ibang manahap, na so pa bored sila sa buhay nila, sasdabihin nila, ay bakla `yan!” natatawang chika lang ni Darren.

So, `yun na, ha! Hindi bakla si Darren, kaya itigil na nga naman `yang walang kamatayang chika na yan sa kanya. (Dondon Sermino)

The post Hindi ako bakla — Darren first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *