Hindi ako bagay mag-Darna — Heart

Grabe rin ang sakripisyo ni Heart Evangelista para mapanatiling maganda, seksi ang kanyang katawan. Imagine, 4:00 am pa lang, o mada­ling-araw pa lang, at hindi pa nga sumisikat ang araw, nasa gym na siya, o ‘di kaya ay nasa park, o garden at tumatakbo.

The post Hindi ako bagay mag-Darna — Heart appeared first on Abante News Online.

hindi ako bagay mag darna heart - Hindi ako bagay mag-Darna — Heart
ABANTE heart - Hindi ako bagay mag-Darna — Heart

By Dondon Sermino

Grabe rin ang sakripisyo ni Heart Evangelista para mapanatiling maganda, seksi ang kanyang katawan. Imagine, 4:00 am pa lang, o mada­ling-araw pa lang, at hindi pa nga sumisikat ang araw, nasa gym na siya, o ‘di kaya ay nasa park, o garden at tumatakbo.

At pagkatapos magpapawis, tumakbo, sasabak din siya sa pagboboksing.

“When your workout call time with @ronnievirador is at 4AM, it’s best to wear bright colors to perk up your mood! Good morning, everybody! Let’s get things going,” sabi ni Heart.

Anyway, 9pm naman daw ay tulog na si Heart, kaya mahaba-haba rin ang pahinga niya. At n­­ag-i-enj­o­y naman daw siya talaga sa pag-i-exercise, pagpapapawis, dahil lumalakas ang katawan niya.

Pero may humirit kay Heart, at nagtanong kung bet din ni Heart na ma­ging Darna. At ang sagot niya, “Hindi bagay sa akin!” na may kasamang tawa.

At least, hindi nakikisakay si Heart sa gimik ng iba, na naglalabas ng mga photo nila ngayon na naka-Darna costume sila. Knows ni Heart ang limi­tasyon niya.

The post Hindi ako bagay mag-Darna — Heart appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *