Hiling ng mga fan:Joshua ilayo kay Julia

Pansin na pansin ng mga fan na naka-follow sa Instagram account ng @asapofficial na kapag photo ni Julia Barretto ang naka-post, naka-off ang comment section.

hiling ng mga fanjoshua ilayo kay julia - Hiling ng mga fan:Joshua ilayo kay Julia
ABANTE Joshua - Hiling ng mga fan:Joshua ilayo kay Julia

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Hiling ng mga fan:Joshua ilayo kay JuliaPansin na pansin ng mga fan na naka-follow sa Instagram account ng @asapofficial na kapag photo ni Julia Barretto ang naka-post, naka-off ang comment section.

Kasi nga, sobra-sobrang panlalait talaga, at puro masasakit na salita ang ibinabato ng mga fan sa kanya, ha! At siyempre, may kinalaman pa rin ‘yon sa ‘ghosting’ issue nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Marami nga ang humihiling na ilayo na si Joshua kay Julia, ha!
Heto nga ang komento ng mga fan:

yamudagustinbelle, “Pag picture ni JULIA B ang ipinopost, naka off yung comment section.”

emmalynnunez, “Kanina pwedeng magcomment, pagkatapos nilang mag enjoy magbasa, disabled na. Wag gawing­ prop si Josh tao po siya hindi ahas. Yong mga kamag anak & kaibigan ko di tuloy manood kasi may ahas daw. Buti sana kung sa zoo ang punta nila.”

emzmatira, “napaghahalata ayaw nila ma bash c Julia love na love nila masyado.”

vavavoomchie, “Joshua­ is better off alone. No need for a love team. He can act well, he’s versatile.”

allie_kate27, “Kawawa na si joshua sainyo!! Nasasaktan na yung tao pero dapat idikit parin kay Julia kasi may movie!”­

Nova, Mona nag-away dahil sa guwapong bilanggo

Sa muling pagbabalik ni Fairy Nova sa kabundukan, nasabik itong muling makita ang kanyang kapatid, subalit ito ay galit sa kanya. Nakaatas kasi kay Fairy Nova na bantayan ang mga fairy prisoners sa kabundukan pero mas ninais nitong maglakwatsa at magliwaliw sa Maynila.

May tiwala naman itong si Fairy Nova na nakakulong pa rin ang mga bilanggo sa kanilang selda at walang nangya­ring hindi inaasahan. Pero isang gabi, isang gwapo at nakakalokong bilanggo na si Hans ang nakatakas mula sa pagbabantay ni Fairy Nova.

Galit na galit si Fairy Mona kay Fairy Nova sa pagpapalaya nito sa lala­king bilanggo. Natakot si Fairy Mona dahil kilala si Hans na magnanakaw at mapanlinlang sa kapwa. Ikinandado ni Fairy Mona si Fairy Nova sa kulungan bilang parusa nito sa pagpapatakas kay Hans.

Naglakbay si Hans patungong Manila upang siyasatin at gayahin ang panlabas na itsura ng mga tao. Doon, nakilala nito sina Vina, Ronnie, at Betty. Nahumaling si Hans nang makita nito si Vina sa unang pagkakataon. Dahil doon, naisipan ni Hans na gumawa ng mga dahilan upang mapasakamay nito si Vina.

Subalit sa pagbabalik nina Vina, Ronnie, at Betty sa kanilang dorm, nagpakita si Fairy Mona sa kanilang harapan at nanghingi ng tulong upang mahanap si Hans.

Nagset-up ng date sina Vina, Ronnie, at Betty kung saan si Vina ay kunwaring tatagpuin si Hans sa isang parke. La­king gulat ni Hans nang mamataan si Fairy Mona sa parke kasama ang squad. Hinamon ni Hans si Fairy Mona sa isang tunggalian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *