Hilda Koronel walang kupas ang ganda

Alam mo, Dondon, may usapan kami ni Joy Alonzo (personal ma-nager ni Martin Nievera) na magkikita sa Miss Filipina International Beauty Pageant sa Redondo Beach, California noong Saturday, pero dahil sa kaliwa’t kanang mga event sa Los Angeles, hindi na ako natuloy.

hilda koronel walang kupas ang ganda - Hilda Koronel walang kupas ang ganda
abante Hilda Koronel - Hilda Koronel walang kupas ang ganda

abante anything goes jun lalin 336x224 - Hilda Koronel walang kupas ang gandaAlam mo, Dondon, may usapan kami ni Joy Alonzo (personal ma-nager ni Martin Nievera) na magkikita sa Miss Filipina International Beauty Pageant sa Redondo Beach, California noong Saturday, pero dahil sa kaliwa’t kanang mga event sa Los Angeles, hindi na ako natuloy.

Dapat ay magkikita rin kami ni Pops Fernandez sa nasabing beauty pa-geant, pero sa ISkin Face & Body Spa ko na lang siya pupuntahan (siya ang i­mage model ng beauty c­linic ni Imee Ong na located sa West Hollywood).

Anyway, noong Sunday ay maaga ang flight nila pa-San Francisco, California dahil may work na si Martin for ASAP in Bay Area (sa August 3 ang mismong show), kaya pagdating nila roon ay nag-Viber video call na lang kami.

Mukhang namamasyal sila nang makatsikahan ko sina Martin at Joy. Fresh na fresh si Martin kahit konting oras lang ang tulog niya dahil late na rin natapos ang beauty pageant na ini-host nila ni Pops the night before.

Kasabay nga pala ng beauty pageant na ‘yon ang show naman ni Jed Madela sa Saban Theater sa Beverly Hills. Special guest ni Jed si Lani Misalucha sa kanyang Higher tour.

In fairness, successful ang nasabing show at ayon sa mga kaibigan ko na nanood noon, marami ang nanood.

Sayang at late ko na natawagan si Lani at ang mister niyang si Noli Mi-salucha dahil bumalik na rin sila sa Las Vegas, Nevada. Sa Las Vegas pa rin naman ang bahay ng mag-asawa.

“We just landed in Las Vegas,” sey ni Papa Noli.

Anyway, last Sunday naman ay nakita ko ang talent manager na si Arnold Vegafria dahil siya ang chairman ng bord of judges sa Continental Miss Philippines Ame-rica.

Beauty season nga-yon sa L.A. at sunud-sunod ang beauty pageants at patalbugan sila, huh! ‘Yung mananalo yata sa beauty pageant na dinaluhan ni Arnold ay sasali sa Miss World Philippines na siya ang may hawak ng franchise sa Philippines.

Nabanggit ko na rin lang ang ISkin Face and Body Spa, nakita ko ang picture ng veteran actress na si Hilda Koronel nang magpunta ako roon.
Regular palang nagpupunta roon si Hilda.

In fairness, ang ganda pa rin ng veteran actress sa picture na nakita ko.
Puwedeng-puwede pa rin siyang magbalik-showbiz kung gugustuhin lang niya, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *