Herbert ratsada sa pamumudmod ng bahay, eskuwelahan

Ratsada si Mayor Herbert Bautista sa inagurasyon ng dalawang eskuwelahan at turn-over ng pinagawang housing units na pinangalanang Bistekville at isang event sa Tierra Pura subdivision last Friday.

The post Herbert ratsada sa pamumudmod ng bahay, eskuwelahan appeared first on Abante News Online.

herbert ratsada sa pamumudmod ng bahay eskuwelahan - Herbert ratsada sa pamumudmod ng bahay, eskuwelahan
Abante Herbert - Herbert ratsada sa pamumudmod ng bahay, eskuwelahan

Masayang aalis sa QC Hall:

abante i know better jun nardo 336x224 - Herbert ratsada sa pamumudmod ng bahay, eskuwelahanRatsada si Mayor Herbert Bautista sa inagurasyon ng dalawang eskuwelahan at turn-over ng pinagawang housing units na pinangalanang Bistekville at isang event sa Tierra Pura subdivision last Friday.

Umaga pa lang ay pumunta na si Mayor Herbert para bisitahin ang bagong building para sa senior high school ng Emilio Jacinto sa Brgy. Pasong Tamo.
Takbo sila pagkatapos sa Brgy. Tandang Sora para sa turn-over ng building ng Tandang Sora senior high school at sinundan niya ito ng pagbisita sa ipinagawang Bistekville sa Brgy. Culiat.

Huli niyang pinuntahan ang event sa Tierra Pura subdivision.
Sa pagbisita niya sa eskuwelahan at Bistekville, iisa ang naging komento niya tungkol sa safety ng mga mag-aaral at naninirahan dahil sa masikip na daanan bago makapasok sa lugar lalo kapag may sunog at lindol.
Bago magtapos ang termino sa June 30, marami pang eskuwelahang bubuksan si Mayor Bistek bilang tulong sa Department of Education sa K-12 program nito.
Bukod sa school buildings, may medical missions pang isinasagawa ang pinuno ng QC bilang pasasalamat sa constituents niyang sumuporta sa loob ng mahigit tatlong dekada sa public service.
Showbiz ba ang focus niya after niyang maging mayor ng QC?
“Kung may trabahong naghihintay sa akin, why not? Diyan naman tayo lumaki. Saka may production outfit naman ang kapatid kong si Harlene, kaya puwede rin akong gumawa ng movie,” pahayag ni Mayor Herbert.
Sa balitang magdidirek na rin siya, “Mag-aaral muna ako ng filmmaking.”

The post Herbert ratsada sa pamumudmod ng bahay, eskuwelahan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *