Herbert, Gardo saksi: KathNiel ‘kinasal’ sa Batangas

Bahay-bahayan ang peg nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga Instagram story ng una. Nakalock-in nga ang dalawa para sa bago nitong sitcom sa ABS-CBN, at makikita sa IG story na ipinagluto ni Kathryn si Daniel ng fried chicken at mushroom soup.

The post Herbert, Gardo saksi: KathNiel ‘kinasal’ sa Batangas first appeared on Abante.

herbert gardo saksi kathniel kinasal sa batangas - Herbert, Gardo saksi: KathNiel ‘kinasal’ sa Batangas
KathNiel 1 - Herbert, Gardo saksi: KathNiel ‘kinasal’ sa Batangas

Bahay-bahayan ang peg nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga Instagram story ng una. Nakalock-in nga ang dalawa para sa bago nitong sitcom sa ABS-CBN, at makikita sa IG story na ipinagluto ni Kathryn si Daniel ng fried chicken at mushroom soup.

Anyway, napag-alamanan ko nga na kasama nila sa bagong show sina Dennis Padilla, Gardo Versoza, Herbert Bautista, at marami pang iba.

Sa panayam kay Dennis Padilla ng DZMM, sinabi ng beteranong komedyante na ilang araw na silang nagte-taping para sa sitcom.

“Three days na kaming busy na talagang from morning until night kami nagsu-shoot dahil may hinahabol din kaming oras,” sey niya.

Ipinahayag din ni Dennis na gaganap sila ni Gardo bilang tatay ni Daniel, samantalang tatay naman ni Kathryn si Herbert Bautista.

Sabik na sabik na nga ang mga fan ng blockbuster loveteam kung kailan na ito mapapanood at tungkol saan ang kwento.

Pero hula ng marami, mga bagong kasal na nakatira sa Batangas ang role ng KathNiel, at ang bongga raw na tila naging saksi sa kasal na `yon sina Biste, Gardo, Dennis, ha!

Well, abangan na lang natin kung tama ang hula ng marami! (Dondon Sermino)

The post Herbert, Gardo saksi: KathNiel ‘kinasal’ sa Batangas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *