Her Majasty Queen : Maja mapanganib, kinatatakutan

Trip na trip ko ‘yang tawag na ‘yan kay Maja Salvador. Nakaka-reyna ang dating talaga.

The post Her Majasty Queen : Maja mapanganib, kinatatakutan appeared first on Abante News Online.

her majasty queen maja mapanganib kinatatakutan - Her Majasty Queen : Maja mapanganib, kinatatakutan
ABANTE maja - Her Majasty Queen : Maja mapanganib, kinatatakutan
ABANTE ARTISTA
Ni Rose Garcia
 
 
Her MAJAsty Queen!
Trip na trip ko ‘yang tawag na ‘yan kay Maja Salvador. Nakaka-reyna ang dating talaga.
 
Kunsabagay, sa ngayon naman talaga, reyna naman talaga si Maja. Reyna sa dance floor, na sabi nga ng mga mahuhusay na choreographer, si Maja lang ang nag-iisang aktres sa kasalukuyan, na kahit anong ipagawa mo sa stage, nagagawa niya nang bonggang-bongga.
 
Pero, sa Twitter nga, @dprincessmaja naman ang ginagamit niya. Hindi siya feeling reyna sa teleserye, although sa rami naman ng ginawa niyang markadong te­leserye, aba, ilang kembot na lang, puwedeng-puwede na siyang tawaging ‘Queen’, ‘di ba?
 
Kung noon, isa siyang ‘wildflower’, ngayon naman ay isa siyang ‘killer bride’. Na sa teaser pa lang, ramdam mo na ang intense na akting na pinakawalan niya.
 
Kuwento ni Maja, sa sobrang bigat ng eksena na ibi­nigay niya sa role niya sa “The Killer Bride”, luma­bas ang ugat niya sa mukha. Ganu’n katindi kung magtrabaho si Maja.
 
Kung sa “Wildflower” ay kinatakutan ang tapang niya, mas lalong mapanganib ang da­ting niya sa “The Killer Bride”, at ‘yun ang dapat abangan.
 
Nakakasabik na ngang mapanood kung paano maghahasik ng lagim, panganib, takot si Maja sa harap ng kamera.
 
In terms of kaseksihan, ‘Queen’ ang dating ni Maja. Sa aspetong ‘yan, angat ulit si Maja, dahil wala siyang keber na mag-post ng mga sexy photo niya sa social media.
 
May sex appeal si Maja, na hindi man siya mag-effort, kusa talagang lumalabas.
 
Well, mapanganib na reyna nga si Maja. Reyna na tipong lahat ng aspeto ng kaharian ay aangkinin niya, hindi dahil sakim siya, kundi dahil nag-uumapaw talaga ang kahusayan niya.

 

Na-‘ghosting’ ni Gerald noon?
‘Wag na nating gatungan’
 
Hindi ligtas si Maja sa mga isyu ngayon sa ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson. Isa nga ba si Maja sa may ‘ghosting’ experience kay Gerald?
 
‘Di ba nga, hindi rin maganda ang naging kuwento ng pagmamahalan nila noon? At kahit tanungin mo pa ang mga kaibigan ni Maja, ibang-iba, na may halong inis, ang nararamdaman nila para kay Gerald.
 
Pero, dahil si Maja ay masayang-masaya na nga­yon, at wala nang puwang sa puso niya ang galit, para sa kanya, hindi na dapat susu­gan pa ang sugat na nararamdaman ng mga tao na dulot ng ex-dyowa niya.
 
“Sana hayaan nating silang lahat mag-heal dahil hindi madali ang may pinagdadaanan, so ‘wag na tayong sumabay, ‘wag na nating gatungan.
“Kasi at the end of the day, lahat tayo tao na nasasaktan at marami tayong mga bagay na mas kailangan na asikasuhin na mas importante,” sambit ni Maja.
 
Pero, hindi nga maiwasan na masangkot ang pangalan ni Maja. Katunayan, madalas na nakakasama ang mukha, pangalan niya sa mga inilalabas na mga meme ngayon tungkol sa mga babae na endor­ser ng shampoo, na naging bahagi ng buhay ni Gerald.
 
“Maglabas lang sila. Nakakatawa lang,” say pa ulit ni Maja tungkol sa pagiging ‘shampoo beauty’ niya.
Pero muli, ang giit niya ay:
“Ayoko nang sumali. Masaya ako. Ayoko sumali, ayokong sumagot. 
“Sa akin, kung puwede lang, wala na ako diyan.”

 

 
 
 
Lunod sa ligaya sa piling ni Rambo Nuñez
 
 
Si Rambo Nuñez nga ang dahilan kung bakit masayang-masaya si Maja ngayon. Sa tuwing kausap nga si Maja, parang palaging nasa bakasyon mode siya.
 
Kaaliw nga na sa tanong sa kanya kung nagbabalak na rin ba siyang maging bride, sinabi lang niya na, “Trabaho muna. Ipon muna. Travel muna.”
Ganyan nga umiikot ang buhay ni Maja ngayon. Nagtatrabaho. Nag-iipon.
 
Nagbabakasyon. At siyempre, kasama ang mahal niyang si Rambo.
 
“Nasa happiest disposition na ako ng buhay ko,” giit pa ni Maja.
 
Hindi pinagsisisihan ni Maja ang pakikipagrelas­yon niya noon kay Gerald. Hindi nga niya itinuturing na isang pagkakamali ‘yon na nagawa niya sa buhay niya, na ayaw na niyang balikan pa.
 
“Sa akin kasi, kung minahal mo naman ‘yung tao, paano siya magiging pagkakamali, e choice mo rin naman ‘yon. May natutunan naman,” sambit niya.

 

The post Her Majasty Queen : Maja mapanganib, kinatatakutan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *