Heaven Peralejo nakakakita ng mga multo, elemento

May third eye pala ang aktres na si Heaven Peralejo. Kinuwento ni Heaven na may kakayahan siyang makakita ng mga elemento at multo na hindi mula sa mundo natin.

heaven peralejo nakakakita ng mga multo elemento - Heaven Peralejo nakakakita ng mga multo, elemento
heaven 1 - Heaven Peralejo nakakakita ng mga multo, elemento

May third eye pala ang aktres na si Heaven Peralejo. Kinuwento ni Heaven na may kakayahan siyang makakita ng mga elemento at multo na hindi mula sa mundo natin.

Kabilang daw sa mga na-experience niya sa kanyang third eye ay ang magparamdam sa kanya ang yumaong lolo at lola.

Inamin din ni Heaven na hindi lang daw siya ang may third eye sa pamilya niya. Halos lahat daw sila ay merong ganitong power.

“Yes, ‘yung family namin lahat may third eye.

“‘Yung pinaka-nakakatakot once may namatay, ‘yung lolo ko, tapos talagang nagparamdam sila ng lola ko as in talagang sumisigaw kami kasi andu’n ‘yung mararamdaman niyo na tumataas lahat ng buhok niyo sa katawan,” sey ni Heaven.

Kunsabagay, naikuwento nga noon ng kanyang Tita Rica Peralejo na nakakakita rin ito ng mga ligaw na spirits. Hindi raw alam ni Rica na may third eye pala siya, kaya kapag nagte-taping or nagsu-shooting sila sa mga malalaking lumang bahay noon sa New Manila, iba ang pakiramdam niya dahil marami raw siyang nakikitang mga tao na wala naman daw doon. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *