Heart umigting ang pag-ibig kay Chiz

Lalong umigting ang pag-ibig ni Heart Evangelista Sorsogon Governor Chiz Escudero, dahil sa nasaksihan niyang malaking proyekto nito sa probinsya, ang limang kilometrong coastal road.

The post Heart umigting ang pag-ibig kay Chiz first appeared on Abante.

heart umigting ang pag ibig kay chiz - Heart umigting ang pag-ibig kay Chiz
abante heart 3 - Heart umigting ang pag-ibig kay Chiz

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Heart umigting ang pag-ibig kay ChizLalong umigting ang pag-ibig ni Heart Evangelista Sorsogon Governor Chiz Escudero, dahil sa nasaksihan niyang malaking proyekto nito sa probinsya, ang limang kilometrong coastal road.

Makikita sa Instagram ni Heart ang pagmomotorsiklo nila ni Chiz sa naturang coastal road.

“With your father’s vision and your hardwork, this coastal road was brought to life. This project will protect people from storm, and the reclaimed land will be used to provide future homes for those who need it the most. There are enough words to say how proud I am of you babe @escuderochiz. #MahalKongSorsogon,” sabi ni Heart.

Sa isa pang post ni Heart habang nagtatalumpati ang asawa, muli niyang ibinida ang kanyang mahal.

“That’s my husband. In just one year, you’ve accomplished so much for your dear Sorsogon. I’m so proud of you! #MahalKongSorsogon.”

Mariel nagmukhang alalay ni Robin

Itinodo na ni Mariel Padilla ang role niya bilang asawa ni Robin Padilla at ina ng kanilang dalawa anak, dahil maging sa technical support para sa kabubukas na show ng action star ay ginawa na rin nito.

Pinoste ni Robin sa Instagram ang video na makikitang inaayos ni Mariel ang ring light, camera at audio sa kukunang shoot para sa spiel ng ni Robin sa kaniyang Kaagapay sa Hanapbuhay show.

“Bismillah, 4am wake up call, 4:30 prayer, 5am set up, 5:30 costume and hair, 6am roll, 8am pack up. Isang araw ng pagbubuklod para sa ating programa sa Net 25 ang Unlad ang Kaagapay sa Hanapbuhay. Maraming salamat muli @marieltpadilla sa pagiging camerawoman, audiowoman, lightwoman at hosting coach. Ganon din sa iyong mga angels na sina Ninang analyn, ninang jo at ninang belen sa paghahanda ng mga gamit sa taping. Alhamdulilah,” sabi ni Robin.

Makikitang naka-apron si Mariel sa photo na `yon na tila kagagaling lang sa pagluluto ng almusal. Walang makeup at simpleng pambahay lang ang suot.

Tinalikuran na talaga nito ang glamorosang buhay at imahe ng showbiz bilang isang TV host. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang alalay ng mister niya.

John, Derek ‘di mamumulubi sa pandemya

Tuloy-tuloy ang trabaho nina John Estrada at Derek Ramsay ngayong pandemic.

Pinoste ni John ang contract signing sa sarili nilang line of shoes ni Derek.

“Signed a contract with Godfather shoes yesterday…Me and my bro @ramsayderek07 will have our own line of shoes. Thank you Aaron and Ayn Angeles for the trust,” sabi ni John.

Maliban sa pagiging magkaibigang matalik nina John at Derek, partner rin sila sa mga pagsali sa mga international golf tournament.

Gladys kinabog si Cherie sa acting workshop

Mukhang mas malawak ang karisma ni Gladys Reyes bilang character actress dahil hindi lang nagtapos sa adult ang kanyang acting workshop online, kundi pati sa mga bata.

Parang tinalbugan ni Gladys ang pa-acting workshop ng beteranang si Cherie Gil dahil hanggang ngayon tuluy-tuloy pa rin ang kanyang acting workshop.

Nakaposte sa Instagram ni Gladys ang larawan ng mga batang sumasalang sa kasalukuyang kaganapan sa kanyang acting workshop.

May title na “Ang Arte mong Bata Ka, O.A. Kiddie Workshop with Ate Gladys”, ang project ni Gladys.

May pitong bata na nakasalang sa harap ng kamera at kabilang dito ang isa sa mga anak ng aktres. Well, magaling ang marketing arm ni Gladys kaya hindi napuputol ang acting workshop.

Hindi na kami magtataka kung pati sa mga matatanda ay may pa-acting workshop rin ang team ni Gladys.

Sharon suportado ang matataba

Pinalakas ni Sharon Cuneta ang moral ng mga taong plus-size partikular na ang mga babaeng katulad niya.

“People who love to eat are always the best people – Julia Child.”

Sa caption ni Sharon sa Instagram, nagpayo siyang mahalin ng mga tao ang kanilang katawan.

Biktima si Sharon ng pambu-bully dahil sa kanyang pigura.

“So true! Basta hinay-hinay lang. Everything in moderation. Huwag naman yung magkakasakit ka na or may sakit ka na kumakain pa ng bawal. Di rin bale na chubby basta healthy. Be proud of your body! Body image issues are the problems of those who like judging people, not yours. Enjoy life! Wanna be skinny? Be that. Wanna be “in-between?” Be that. Wanna be chubby? Be that! Wanna be obese? Be that as long as you stay healthy! Life is short. People should accept one another as they are. Be kinder. And eat good food! Enjoy eating to live. Don’t naman live to eat lang-unhealthy na. Though we don’t we all wish we could. Hahaha,” sabi ni Sharon.

The post Heart umigting ang pag-ibig kay Chiz first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *