Heart tutulong sa mga may sakit

Dinagsa na naman ng hiling ang Twitter ni Heart Evangelista simula kahapon ng umaga. May nag-tweet kasi kay Heart na humingi ng tulong, kalakip ang isang larawan ng lalaki na payat na payat.

The post Heart tutulong sa mga may sakit first appeared on Abante.

heart tutulong sa mga may sakit - Heart tutulong sa mga may sakit
Heart - Heart tutulong sa mga may sakit

Dinagsa na naman ng hiling ang Twitter ni Heart Evangelista simula kahapon ng umaga. May nag-tweet kasi kay Heart na humingi ng tulong, kalakip ang isang larawan ng lalaki na payat na payat.

“Ma’am sana matulungan nyo din po papa ko. Oxygen dependent na po sya at wala ng isang baga. Kahit po pamasahe na lang po para makauwi po lola ko na mama nya. Lagi nya na po kasi hinahanap mama nya.

Nakakaranas na din po ako ng depression at stress sa sobrang kakaisip po,” sabi ng isang netizen.

Na tinugunan naman ni Heart na ‘Dm pls.’

Ganun nagsimula sa pagtulong si Heart noon. May mga nagtu-tweet na tina-tag siya, at sinasabihan niya na i-DM (direct message) siya.

Pero `yun na nga, dumagsang muli ang mga tao na humihingi ng tulong sa kanya. Sunod-sunod ang mga tweet sa kanya.

“Hi po maam Heart sana po mabigyan nyo po ako gatas at diaper ng 2 kopong anak.. slamat po.”

“Mam heart @heart021485 sana po matulungan nyo din ako. Please po mam heart, pang dialysis ko lng po..Maraming salamat po.”

Ramdam na ramdam talaga ang paghihirap ngayon, at sana ay mas maraming tulad ni Heart ang lumitaw, na tumutulong sa abot ng kanilang makakaya. (Dondon Sermino)

The post Heart tutulong sa mga may sakit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *