Heart tinawag na ‘Mama Mary’ ni Kris Bernal

Dahil sa isang regalo, sinamba nang husto ni Kris Bernal si Heart Evangelista at inihalintulad pa niya ito sa isang santa. Naka-post sa Instagram ni Kris ang larawan niya na hawak-hawak ang isang bag na may korteng puso.

heart tinawag na mama mary ni kris bernal - Heart tinawag na ‘Mama Mary’ ni Kris Bernal
kris 23 - Heart tinawag na ‘Mama Mary’ ni Kris Bernal

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 27 336x224 - Heart tinawag na ‘Mama Mary’ ni Kris BernalDahil sa isang regalo, sinamba nang husto ni Kris Bernal si Heart Evangelista at inihalintulad pa niya ito sa isang santa. Naka-post sa Instagram ni Kris ang larawan niya na hawak-hawak ang isang bag na may korteng puso.

Ang nasabing bag ay Syquoia brand na collaboration design ni Heart para sa nasabing international bag brand na mayroong store sa Paris.

Regalo ni Heart ang naturang bag na may halagang hindi bababa sa P10K.

Nakasaad sa caption ng photo ang naging reaksyon ni Kris nang makatanggap siya ng regalong bag mula kay Heart. Ikinagulat ni Kris ang gesture ni Heart dahil bukod sa tinitingala ito sa showbiz bilang big star at fashion icon, hindi naman matatawag na close friend silang dalawa.

Pinuri nang husto ni Kris si Heart sa caption at sinabing naging fan siya noon nang mag-ipon siya ng mga magazine cover nito bilang personal collection niya.

Nagpaka-fan nang husto si Kris sa karugtong pang message nito para kay Heart.

“I love you, Heart. Your heart cannot be found just anywhere. I will keep supporting you til the end,” sabi pa ni Kris.

Sumagot naman si Heart at sinabi nito sa comment niya na natutuwa siyang nagustuhan ni Kris ang kanyang ibinigay.

Dito na naging OA si Kris sa reply niya kay Heart at inihalintulad niya ito kay Mama Mary.

“Thank you Heart for having ang big heart for everyone! Totally love this gift of yours. I am so lucky to have been blessed with the Mama Mary of our generation,” ang nakakalokang mensahe ni Kris.

Hindi pa nakuntento sa kanyang pagsamba kay Heart at nag-hashtag pa ito ng @LoveMariePrayForUs.”

Ilan ang sumakay at sinegundahan pa ang hashtag ni Kris, nang parehong hashtag na @LoveMariePrayForUs.”

Paolo, Pokwang, Antoinette nag-alala sa mga patay na isda

Iilan pa lang sa mga celebrity ang tumugon sa panawagan ni Antoinette Taus na magkaroon ng awareness sa kaso ng ilang toneladang dead fish na nagkalat sa dagat, katabi ang mga maraming basurang nagkalat sa paligid.

Ang dalawa sa nag-repost at nag-comment ng kanilang panawagan ay sina Paolo Ballesteros at Pokwang. Sa IG ng dalawa, naka-repost ang video ni Antoinette na kinukuha ang mga patay na isda at ang iba’t ibang klase ng basura.

Makikita sa caption ang pangalan ni Paolo na siyang pinagkuhanan ng parehong video footage. Pinasalamatan at pinuri ni Antoinette ang dalawa sa pagsi-share ng kanilang ginagawang clean-up at concern sa kapakanan ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *