Heart super sosyal ang outfit habang naglalampaso

Benta na naman sa mga fan sa social media ang kuwelang pakulo ni Heart Evangelista kung saan naka-sosyal na long white dress siya na medyo kita pa ang cleavage habang naglalampaso ng sahig, tapos ang caption pa niya ay: “Yung bihis na bihis ka pero ‘di ka naman pala kasama.”

heart super sosyal ang outfit habang naglalampaso - Heart super sosyal ang outfit habang naglalampaso
heart 24 - Heart super sosyal ang outfit habang naglalampaso

Benta na naman sa mga fan sa social media ang kuwelang pakulo ni Heart Evangelista kung saan naka-sosyal na long white dress siya na medyo kita pa ang cleavage habang naglalampaso ng sahig, tapos ang caption pa niya ay: “Yung bihis na bihis ka pero ‘di ka naman pala kasama.”

Havey na havey na naman ito sa mga follower niya at gumawa pa ng kani-kanilang version ang mga ito dahil relate much talaga sa mga post ng aktres.

“Yung kailangan mo muna maglinis ng bahay bago ka payagang umalis.”

“Yung papa-good shot ka muna bago ka payagan… pero ready ka na magsasapatos ka nalang.”

“Ma-try ko nga din magbihis ng ganito habang naglilinis ng bahay.”

‘Yan nga ang ilan sa mga makukulit na reaksyon ng mga fan sa naging post ni Heart. Gustong-gusto kasi talaga ng mga fan ang mga hirit ni Heart dahil kahit nagjo-joke siya ay may class pa rin.

Marami na ngang naging makulit na pakulo si Heart, nagsimula pa nga ‘yan sa naka-long formal dress siya tapos sinabi niyang mamamalengke lang siya. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *