Heart sumakit ang puso sa ulilang aso

Isang aso na naghihintay sa kanyang amo sa labas ng classroom ang nag-viral sa social media kamakailan. Humakot ng libo-libong share, comment at reaction ang nasabing post.

The post Heart sumakit ang puso sa ulilang aso appeared first on Abante News Online.

heart sumakit ang puso sa ulilang aso - Heart sumakit ang puso sa ulilang aso
ABANTE heart 1 - Heart sumakit ang puso sa ulilang aso

By Athena Yap

Isang aso na naghihintay sa kanyang amo sa labas ng classroom ang nag-viral sa social media kamakailan. Humakot ng libo-libong share, comment at reaction ang nasabing post.

Kuwento kasi ng nag-post ng litratong iyon, alaga raw ng isang professor ang naturang aso. Araw-araw, aniya, ay sumasama ito sa kanyang amo hanggang sa pagtuturo nito sa eskuwelahan.

Isang araw, pumanaw ang propesor at natagpuang laging nagbabantay ang aso sa labas ng classroom para abangan ang kanyang amo. Dinala ng isang concerned citizen ang asong iyon sa burol ng propesor na amo, at makikitang labis na nalulungkot ang naturang aso.

Bukod sa mga netizen, isa rin ang dog lover celebrity na si Heart Evangelista sa mga naapektuhan, nalungkot at nag-react sa nasabing istorya.

“Painful :(,” sabi ng aktres sa kanyang caption matapos nitong i-share ang isang artikulo kaugnay sa kuwento ng viral na aso.

Maihahalintulad nga raw ang kuwentong iyon sa sikat na Japanese movie na “Hachiko” na naghatid din ng matinding emosyon sa mga taong nakanood, lalo na ang mga pet lover.

The post Heart sumakit ang puso sa ulilang aso appeared first on Abante News Online.

1 thought on “Heart sumakit ang puso sa ulilang aso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *