Heart sa plato naman magpipinta

Para sa kanyang passion sa painting kahit ano ay gagamiting canvas ni Heart Evangelista. 

The post Heart sa plato naman magpipinta appeared first on Abante News Online.

heart sa plato naman magpipinta - Heart sa plato naman magpipinta
heart 7 - Heart sa plato naman magpipinta

Para sa kanyang passion sa painting kahit ano ay gagamiting canvas ni Heart Evangelista. 

Kung ang mga branded bags ay pinintahan ni Heart ng kanyang obra pati na ang mga damit ng Kamiseta para sa special collection nito, ang mga plato naman ang susunod na lalagyan ng painting ni Heart.

Naka-post sa Instagram ni Heart ang isang plato na may painting ng tatlong babae.

Nagbigay ng hint si Heart na ang dinner plate naman ang susunod niyang pipintahan.

Ang nasabing plato ay sample pa lang ng painting ni Heart, na posibleng ilabas ng aktres bago matapos ang taon. Siya na rin mismo ang nagbalita tungkol dito at sa pinaplano niyang susunod na painting collection.

Siguradong mamahalin ang mga platong pipintahan ni Heart lalo at ilang piraso lang ang gagawin nito. Magiging collector’s item ang mga plato, gaya ng pagpinta niya sa mga bag ng ilang mga sikat na perso­nalidad gaya ni Jinkee Pacquiao.

The post Heart sa plato naman magpipinta appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *