Heart pasok sa ‘9 Most Outrageous YouTuber Closet’

Ang bongga talaga ni Heart Evangelista. Pagdating sa fashion, number one talaga siya sa Pilipinas.

heart pasok sa 9 most outrageous youtuber closet - Heart pasok sa ‘9 Most Outrageous YouTuber Closet’
Template - Heart pasok sa ‘9 Most Outrageous YouTuber Closet’

Ang bongga talaga ni Heart Evangelista. Pagdating sa fashion, number one talaga siya sa Pilipinas.

Listed nga si Heart sa “9 Most Outrageous YouTuber Closet Tours”, na mapapanood sa YouTube account ng Cleyver News (4.5M ang mga subscriber).

Bale pang-apat si Heart sa kategoryang ito. At sa video na pinakita, ang bongga lang naman talaga ng closet niya, ha!

“Welcome to my walk in closet,” pambungad na chika ni Heart sa YouTube video na ‘yon.

At isa-isa na ngang ipinakita ang magaganda niyang sapatos, at mga bag, na ang ikinatuwa ng marami ay dahil may jacket nga ang mga ito.

Anyway, heto nga ang kumpletong listahan ng mga napili nila:
9) Gabi Demartino; 8) Huda Beauty; 7) Patrick Starr (Filipino); 6) Laura Lee; 5) Tati Westbrook;
4) Heart Evangelista; 3) Theresa Roemer; 2) Jaclyn Hill; 1) Jeffree Star.
Oh, ‘di ba? Winner! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *