Heart napagkamalang wax sa b-day party ni Chiz

Heart napagkamalang wax sa b-day party ni Chiz

Feeling Audrey Hepburn si Heart Evangelista sa 50th birthday party ni Gov. Chiz Escudero, ha! At yes, achieved na achieved naman ni Heart ang look na inasam niya.

heart napagkamalang wax sa b day party ni chiz - Heart napagkamalang wax sa b-day party ni Chiz
heart evangelista 2 - Heart napagkamalang wax sa b-day party ni Chiz

Feeling Audrey Hepburn si Heart Evangelista sa 50th birthday party ni Gov. Chiz Escudero, ha! At yes, achieved na achieved naman ni Heart ang look na inasam niya.

“All about Audrey. #ChizRocksAt50,” simpleng caption ni Heart sa feeling Audrey photo niya.

Eh, sinamahan pa siya ni Dette Escudero Quirante na nag-ala-Jackie rin.

At kaaliw nga ang reaksiyon ng mga netizen, dahil feeling nila ay manikin o wax talaga si Heart, ha! Bagay na bagay nga raw na ilagay sa Madame Tussauds museum ang photo na ‘yon ni Heart.

“Iba! Dollllssss!” reaksiyon ni MJ Marfori.

“Parang wax figure ate!!! Manyika, mannequin ganoyn!” sabi naman ni Kaladkaren.

Anyway, agaw-atensiyon nga si Heart sa birthday party ni Gov. Chiz. At dapat lang naman, dahil napakaganda, sosyal, class talaga niya.

“Fifty never looked so good. (hearts emoticon) #ChizRocksAt50.

“Thank you so much to those who made @escuderochiz’s party so amazing! To @detteeeee, @winniechuago, and @chefflorabel,” sabi lang ni Heart.

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *