Heart naka-‘Gold Button’ na

Masayang-masaya ang StarStruck council na si Heart Evangelista-Escudero dahil sa pagtanggap niya ng Gold Button plaque mula sa YouTube dahil naka-one million subscribers na ang kanyang personal vlog at pati na ang Adulting 101 vlog kunsaan kasama ang kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

heart naka gold button na - Heart naka-‘Gold Button’ na
ABANTE Heart - Heart naka-‘Gold Button’ na

Masayang-masaya ang StarStruck council na si Heart Evangelista-Escudero dahil sa pagtanggap niya ng Gold Button plaque mula sa YouTube dahil naka-one million subscribers na ang kanyang personal vlog at pati na ang Adulting 101 vlog kunsaan kasama ang kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Eksaktong one year na ang vlog ni Heart noong magkaroon na siya ng isang milyong subscribers.

“1 million baby!!! Thank you guys !!! Adulting 101 part 2 is going live !!!” tweet pa ni Heart.

Ang content nga ng vlog ni Heart ay ang kanyang pagbiyahe sa iba’t ibang bansa, pag-attend ng fashion week, ang kanyang endorsements, creative collaborations niya at ang interview niya sa kanyang mister na si Chiz. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *