Heart naiyak sa tagumpay ng mga taga-Sorsogon

Loud and proud na ipinagsigawan ni Heart Evangelista na ang probinsya ng Sorsogon, ang lugar na pinamamahalaan ng mister niyang si Gov. Chiz Escudero, ay kinilala bilang “First Guinness World Record for the Largest Filipino Folk Dance” na may bilang na 7,127 Filipino nga ang sumayaw sa kalsada ng folk dance.

heart naiyak sa tagumpay ng mga taga sorsogon - Heart naiyak sa tagumpay ng mga taga-Sorsogon
heart 23 - Heart naiyak sa tagumpay ng mga taga-Sorsogon

Loud and proud na ipinagsigawan ni Heart Evangelista na ang probinsya ng Sorsogon, ang lugar na pinamamahalaan ng mister niyang si Gov. Chiz Escudero, ay kinilala bilang “First Guinness World Record for the Largest Filipino Folk Dance” na may bilang na 7,127 Filipino nga ang sumayaw sa kalsada ng folk dance.

Hindi maitatanggi ang pagka-proud ng aktres sa kanyang mga ngiti, nakisayaw pa nga ito sa mga lumahok sa folk dance upang maabot nga ang bonggang record na kanilang nakamtan.

Talagang nagbunyi ang mga taga-Sorsogon dahil sa pride na kanilang nakambit. Aba siyempre, world record ang kanilang na-achieve! Sino ba naman ang hindi magiging proud?

“You are amazing for coming up with this and for inspiring Sorsoganons to be part of something BIG congrats Sorsogon!!!! Kaka proud!!! Kakaiyak!” sey pa ni Heart sa kanyang tweet kalakip ang mga litrato kung saan makikita ang makulay na kaganapan sa Sorsogon.

Proud moment talaga ito bilang first lady kay Chiz na siyang gobernador ng naturang lungsod. Bukod pa riyan, sobrang na-cute-an din ang mga fan sa mag-asawa na Chiz at Heart dahil sa mga kasuotan ng mga ito na talagang nagbi-blend in sa mga taga-Sorsogon na sumayaw. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *