Heart, KC pinagsasabong sa swimsuit competition

‘Yung walang kamalay-malay sina Heart Evangelista at KC Concepcion, pero pinagsasabong na pala sila ng mga follower nila.

The post Heart, KC pinagsasabong sa swimsuit competition first appeared on Abante.

heart kc pinagsasabong sa swimsuit competition - Heart, KC pinagsasabong sa swimsuit competition
Heart x KC - Heart, KC pinagsasabong sa swimsuit competition

‘Yung walang kamalay-malay sina Heart Evangelista at KC Concepcion, pero pinagsasabong na pala sila ng mga follower nila.

Pareho kasing nagpu-post ng mga sexy photo sina Heart at KC sa kanilang mga social media account.

Pareho nga kasing nagbabakasyon at sabik na sabik sa dagat ang dalawa. Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon, hindi talaga nila pinalampas, ha!

Ang mga fan kasi, mas sanay na nakikita ang dalawa na super fashionista. Na ang mga suot ay puro mamahaling brand na sikat sa buong mundo.

Pero ngayon nga, halos masilip na ang kanilang mga itinatago sa mga suot nilang bikini swimsuit.

Pero sa kanilang dalawa, mas matapang si KC na maglantad ng alindog. Si Heart, medyo konserbatibo pa, na kahit naka-2 piece bikini, takip naman ang lower part niya.

Hindi tulad ni KC, na 1-piece swimsuit nga, pero lantad talaga ang lahat. At keber niya kahit ano pa ang reaksiyon ng mga fan sa kanya.

Anyway, may mga fan nga na pinagsasabong sila, na kesyo mas mukhang class si KC sa pagsusuot ng swimsuit. Na hirit naman ng iba, mas may style pa rin si Heart sa pagrampa sa dagat.

Oh, di ba? Dahil sa kawalan pa rin ng mga ganap sa paligid, kaya ang social media pa rin ng mga artista ang pinagtutunan nila ng pansin. At `yun nga, umaabot na sila sa puntong pinagsasabong ang mga paborito nilang artista.

Eh, hindi ba puwedeng magkaiba talaga ang styl nina KC at Heart? Hindi ba puwedeng pareho lang silang seksi, maganda, fashionista, at paborito ng mga netizen sa pagdadala ng outfit?

Well… (Dondon Sermino)

The post Heart, KC pinagsasabong sa swimsuit competition first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *