Heart irarampa mga ‘Chanel’ sa Sorsogon

Babaha ng Chanel sa Sorsogon. Yan ang panigurado ni Heart Evangelista sa gagawing bagong teleserye na “I Love Sorsogon” na pagbibidahan nga niya, kasama sina Rita Daniela at Ken Chan, sa GMA 7.

The post Heart irarampa mga ‘Chanel’ sa Sorsogon first appeared on Abante.

heart irarampa mga chanel sa sorsogon - Heart irarampa mga ‘Chanel’ sa Sorsogon
heart 3 - Heart irarampa mga ‘Chanel’ sa Sorsogon

Babaha ng Chanel sa Sorsogon. Yan ang panigurado ni Heart Evangelista sa gagawing bagong teleserye na “I Love Sorsogon” na pagbibidahan nga niya, kasama sina Rita Daniela at Ken Chan, sa GMA 7.

“More Chanel,” ang tweet ni Heart, na ang ibig sabihin ay lahat ng mga koleksyon niya ng nasabing luxury brand ay ilalabas niya, o dadalhin sa Sorsogon, para ipakita sa mga gagawing eksena sa serye.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkahumaling ni Heart sa mga expensive brand. Lahat ng alam at kilalang international accessories at clothing expensive brand ay meron ang aktres.

So, asahang hindi lang mga local product, merchandise ng Sorsogon ang mapapanood sa serye, kundi ang mga mamahaling accessories brand ni Heart. (Rey Pumaloy)

The post Heart irarampa mga ‘Chanel’ sa Sorsogon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *