Heart iniyakan ang pagsasayaw ala-Blackpink

Sumabak sa sayawan si Heart Evangelista na bihira niyang gawin sa TV. Nagpasilip na si Heart sa kanyang Instagram story na umiindak sa kantang “Solo” ni Jennie ng K-pop girl group na Blackpink.

heart iniyakan ang pagsasayaw ala blackpink - Heart iniyakan ang pagsasayaw ala-Blackpink
ABANTE heart 4 - Heart iniyakan ang pagsasayaw ala-Blackpink

abante i know better jun nardo 336x224 - Heart iniyakan ang pagsasayaw ala-BlackpinkSumabak sa sayawan si Heart Evangelista na bihira niyang gawin sa TV. Nagpasilip na si Heart sa kanyang Instagram story na umiindak sa kantang “Solo” ni Jennie ng K-pop girl group na Blackpink.

“I can’t sleep thinking about this! I wanna cry…I’m so pressured,” caption ni Heart.

Silent fan ang Kapuso actress ng grupo na ang tawag ay Blink.

“I’ve been a silent BLINK for a while now and I’ll be dancing this soon (I will never dance again after this)!” dagdag niya.

Ang pasabog na ito ni Mrs. Chiz Escudero ay mapapanood sa coming episode ng “StarStruck” kung saan isa siya sa judge.

Mariel ‘miracle maker’ kay Kylie

Miracle maker ang bansag ni Kylie Padilla sa stepmom niyang si Mariel Rodriguez. Nagpahatid ng mensahe si Kylie kay Tita Mariel niya sa kaarawan nito sa Instagram account niya.

“Happy birthday to this miracle maker thank you for all the moments you make happen. To all the things the little things ad BIG things that you do for your family and ours.

“Thank you for being in our lives. Thank you for being a friend and thank you for being there through thick and thin and always trying to be helpful.
“You are an inspiration. Happy happy birthday. We love you @marieltpadilla,” caption ni Kylie sa litrato nila ni Mariel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *