Heart ‘di trophy wife ni Chiz

Isa ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na pinaniniwalaan namin at ng karamihan na puwedeng sabihan ng ganitong kataga. Mula sa isang mayamang pamilya at masasabing lumaki in style.

The post Heart ‘di trophy wife ni Chiz appeared first on Abante News Online.

heart di trophy wife ni chiz - Heart ‘di trophy wife ni Chiz
heart 11 - Heart ‘di trophy wife ni Chiz

‘Wala na akong mahihiling pa’

“Born with a silver spoon.”
Isa ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na pinaniniwalaan namin at ng karamihan na puwedeng sabihan ng ganitong kataga. Mula sa isang mayamang pamilya at masasabing lumaki in style.

Pero sa kabila ng karangyaan at sa kabila ng pagtanggi noong una ng mga magulang na pasukin niya ang mundo ng showbiz, early teens pa lang ay pinasok na ni Heart ang showbiz at napatunayan naman niya na hindi lang siya a­nother pretty face in showbiz, hindi lang siya pa-fashion pero loaded with ta-lents naman din talaga ang ngayo’y ‘First Lady’ ng Sorsogon.

Isa nga si Heart sa mga well-trusted endorser ng iba’t ibang brand. Sa kung ano man daw ang meron siya ngayon, wala na raw s­iyang mahihiling pa.

“Nabibigla na nga ako sa mga ano… I mean, I’m 34 and I know how it feels like to have nothing and not be anything in showbiz and I’m very, very grateful for every single thing that I’m working on at mga nagtitiwala for me to represent their brands.

“You know, I had my fair share of ups and downs in life. With my career, with my personal life. I don’t wish for anything.

“Basta maging healthy ang lahat ng mahal ko then, everything is a bonus. Kahit ‘yung pagbi-baby. I am so overwhelmed and grateful talaga with every- thing that’s happening in my life, I do not ask for anything.

“I just want safety and health for all my loved ones, I’m healthy. It’s just r­eally a matter of ibibigay, so I’m okay.”

Sa rami ng ginagawa ni Heart ngayon, mas kulang daw talaga ang oras nilang mag-asawa ngayon na magkasama. Bilang bagong halal na Governor si Chiz Escudero sa Sorsogon, mas kailangan naman ito na palaging nasa Sorsogon.

“Now, we got everything, organized, scheduled, kung paano. Kasi, ang maganda kay Chiz at hindi rin ako demanding, hindi rin ako masyadong clingy.

“Actually, pinu-push niya ako to do what I need to do.”
Sa interview ng “Abantelliling” kay Gov. Chiz, sinabi nitong hindi naman siya selosong mister kahit sa mga kissing scenes ni Heart sa ibang leading men. Hindi rin daw siya nagdidikta ng kung ano lang ang puwedeng gawin ni Heart.

“Noong pinanood namin yung ‘Trophy Wife’, tinatakpan niya ang mata ko sa scene na ‘yun. Para kaming naghaharutan, nakakahiya na. Pero, pinanood ko rin naman sa YouTube ‘yun,” natatawang sabi pa ni Gov. Chiz.

Hindi nga puwedeng sabihin na ‘trophy wife’ lang ni Chiz si Heart.

Dugtong pa niya, “Mas alam niya ang limitas-yon niya. Katawan niya ‘yun, hindi sa akin ‘yun. Mas para sa kanyang limitahan ang sarili niya, hindi para sa akin.

“At alam ko naman na gagawin lang naman niya ‘yun para sa kanya at hindi para sa akin. At sa parte ko, imbes na selos, mas nagugustuhan ko pa nga.

“Kasi, kung may ibang nagkagusto, sa dulo, sa akin pa rin naman uuwi. Siya pa rin ang kasama ko. So, mas nakakaragdag pa imbes nakakabawas at hindi selos ang dulot sa akin.”

At may kasunduan daw silang mag-asawa.

“Kailanman, hindi siya papasok sa politika at kailanman, hindi ako… wala namang offer, pero hindi rin naman ako papasok sa showbiz.”

Naiyak sa madugong aksiyon sa China

Ilang buwan na rin na nagsu-shooting si Heart ng kanyang international movie, mainly sa China. Nagkaroon pa nga ng impression na sequel ito ng “Crazy Rich Asians”, pero nilinaw na ni Heart na iba ang mo-vie na ginagawa niya.
Hindi pa niya mai-reveal ang buong de-talye, pero mahirap daw talaga.
“Mahirap talaga siya. I’m not gonna say anything, but it’s really hard actually, naiiyak na ko sa hirap,” natawang sabi niya.
Action pala ang pelikulang ginagawa niya sa China.
“It’s action and it’s a lot of blood.”
Wala raw siyang naging training dahil sa schedules in-terms of action, pero sa mismong shooting na raw ang nagiging training niya. Ang naging preparas-yon daw niya ay ma-ging physically fit lalo na for the role.
Nakatanggap daw siya ng tawag kaya siya nakasama sa naturang pelikula.
“I got a call and they made me read like a live in online. Tapos ‘yun, nagulat ako that I got the lead role.”

***

Kabado sa ‘StarStruck’

Bagong karanasan para kay Heart ngayon ang ibinigay sa kanya ng GMA-7 sa pagiging isa sa mga council/judge ng “StarStruck” batch 7 kasama sina Cherie Gil at Jose Manalo.

“Kinakabahan ako,” pag-amin niya.

“Minsan, nahihirapan ako kung ano rin ang sasabihin ko. It’s hard na… not naman laiitin, but correct them. But then, I just try to be myself and I guess, ba-lance it.

“So I tried to keep it light.”

Karamihan o halos lahat ng natatanggal, nagiging emosyonal.

“I think, it’s only now that they didn’t understand. But eventually when they get to their final destination, mari-realize nila na it’s okay that it happened kasi, hindi naman ‘yun ang destiny nila.

“Kasi, bakit mo naman sila pipigilan kung ano ang dapat sa kanila. This is just like any o­ther break-ups, it’s gonna be okay.”

Ngayong araw na ito sa “StarStruck” batch 7 naman mari-reveal ang Top 14 finalist.

Feeling Jennifer Lawrence

Ang Hollywood actress na si Jennifer Lawrence ang influence ni Heart.
“I like Jennifer Lawrence. I really like everything, all the action movies that she has done. I like it, kasi kahit pumapatay siya, meron siyang guilt. May redeeming factor.

“But it’s really more on how I’m going to punch, how I’m going to kick, everything.”

Nagdo-double lang daw si Heart kapag talagang sobrang maselan na ang action scene, pero gusto raw talaga ng production na siya talaga mainly ang gagawa ng stunts.

“Sugatan ako… sabi ko, ‘ano ba ‘tong pinasok ko?’ Hahaha! But, it’s really rewarding.”

Ang ilan sa location shooting daw nila ay sa Hong Kong at Los Angeles din.
Magkaibang-magkaiba raw ang m­ethod ng shooting sa bansa at sa China. Kaya kahit pagod daw, sa loob ng sampung oras, ‘yun lang talaga ang gagawin niya.

Posible raw na next year pa ito maipapa-labas.

At ang susunod niyang gagawin, ‘yung book 2 na rin agad ng movie.

Baka magmukha akong alalay ni Heart – Gov. Escudero

“Debate palagi ‘yan. Kung tama o mali o kung sang-ayon siya sa sinusuot ko,” ang kuwento ni Gov. Chiz sa pananamit niya.

Araw-araw talagang tsine-check ni Heart?

“Hindi naman formal talaga kung papasa o hindi. Tinatamaan naman, siguro 4 out of 10, tinatamaan ko. May matatanggap na lang akong puri na ‘I like that.’”

Wala raw siyang personal na stylist. Si Heart na raw ang lumalabas na stylist niya.

“Nagtatanong lang talaga ako sa kanya at siya lang talaga ang masusunod kapag events niya ang pupuntahan ko. Kasi, baka magmukha akong alalay or uncle ‘pag ganu’n,” natatawang sabi niya.

Wala naman daw drastic na nabago sa f­ashion sense niya nang maging sila na ni Heart.

“Actually ganu’n pa rin, ang nabago lang sa fashion sense ko, kapag mag-a-attend lang ako ng events niya,” sabi na lang ni Chiz.

The post Heart ‘di trophy wife ni Chiz appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *