Heart bumida sa ‘Elle Australia’

Super kinilig si Heart Evangelista nang makita ang sarili niya sa Elle Australia Instagram account.

The post Heart bumida sa ‘Elle Australia’ first appeared on Abante.

heart bumida sa elle australia - Heart bumida sa ‘Elle Australia’
Heart 2 - Heart bumida sa ‘Elle Australia’

Super kinilig si Heart Evangelista nang makita ang sarili niya sa Elle Australia Instagram account.

Ang bongga nga ni Heart dahil puro sikat na fashionista, celebrity, artista mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang makikita sa IG na `yon, at siya lang talaga ang tila nag-iisang Pinoy roon.

Ang bongga lang na mapasama ang photo mo sa mga sikat sa buong mundo na tulad nina Scarlett Johansson, Hailey at Justin Bieber, Bella Hadid, George Clooney, Mandy Moore, Gigi Hadid, Zayn Malik, Zendaya, makikita sa Elle Australia.

Na-feature ang photo ni Heart sa artikulo na ang titulo ay ‘What You Should Wear In 2020, Based On Your Star Sign’.

“Found yourself in a bit of a style rut in 2020? Same. If you’re searching for a little dose of inspiration in the fashion department, why not turn to the stars? From a bold pop of colour for Aries to low-key glamour for Taureans, we reveal the fashion choices you should make, based off your sign,” ang nakalagay na caption sa photo ni Heart.

Kalungkot lang na sa mismong IG account na `yon ay may mga Pinoy na nagko-comment at nilalait si Heart, ha! At siyempre, hindi rin pumayag ang mga supporter ni Heart at tinalakan talaga ang mga basher na `yon. (Dondon Sermino)

The post Heart bumida sa ‘Elle Australia’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *