Heart binansagang ‘worldwide fashion icon’

Worldwide fashion icon ang tawag kay Heart Evangelista ngayon.

The post Heart binansagang ‘worldwide fashion icon’ first appeared on Abante.

heart binansagang worldwide fashion icon - Heart binansagang ‘worldwide fashion icon’
heart 6 - Heart binansagang ‘worldwide fashion icon’

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 3 300x180 - Heart binansagang ‘worldwide fashion icon’Worldwide fashion icon ang tawag kay Heart Evangelista ngayon.

Ang dahilan, sabi nga ni Heart sa kanyang Twitter post, “Woke up with my face in Times Square!” Makikita lang naman si Heart sa digital billboard sa Times, Square, New York City.

Nakipag-collab kasi si Heart sa La’s Threads by La Faraoni na gumagawa ng mga fashion brand made by Filipino Artisan. At sa billboard makikitang hawak ni Heart ang isang bag or pouch.

Ang naturang piece ay tinatawag na Panda Minaudiere na hango mismo sa isa sa mga dog ni Heart, si Panda Ongpauco-Escudero.

Happy ang netizens sa achievement na ito ni Heart dahil mas napu-promote pa raw ang mga gawang Pinoy worldwide.

Marian ‘talandi’ kay Dingdong

Kung meron man unang-unang masayang-masaya na ang pinakabagong celebrity endorser ng Beautederm ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ito ay walang iba kundi ang misis niya, si Marian Rivera.

Hindi napigilan ni Marian na mag-post sa kanyang IG ng pagwe-welcome kay Dingdong at maikumpara ito sa kanyang “oppa” o nag-iisa raw na paborito niyang South Korean actor na si Hyun Bin.

Sabi ni Marian, “Tapos ang usapan! Bye! Hyun Bin… Hello Dingdong…” at ang daming natawa at naaliw sa hashtag nito na #talandi.

Ang fresh at ang guwapo naman ngang talaga ni Dingdong sa pictorial niya for Beautederm. Si Dingdong ang endorser ng isa sa magandang produkto ni Ms. Rhea Tan, ang Cristaux.

At sa IG post nga ni Dingdong, walang-duda na ginagamit na niya ito at nandoon ang tiwala niya sa produkto.

Aniya, “What a terrific way to jumpstart 2021 — finally, I am a Beautéderm Brand Ambassador. Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen and it really, really works!

“I am filled with gratitude to you, Ms. Rei Tan for getting me to be a part of Beautéderm’s amazing family.

“I now see and feel what my wife Marian, who is the the brand ambassador of Beautéderm Home, is gushing about. Beautéderm is indeed a one, big happy family — and I can’t wait for all the wonderful things that we will do together this New Year!

“Here’s to new beginnings and a life-long partnership! Mabuhay po ang Beautéderm!”

The post Heart binansagang ‘worldwide fashion icon’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *