Heart beso-beso sa mga sikat na designer sa Paris

Kung meron mang natatanging artistang may perso-nal connection sa mga sikat na designer at luxury brand sa buong mundo na naka-base sa Paris, ‘yun ay si Heart Evangelista.

The post Heart beso-beso sa mga sikat na designer sa Paris appeared first on Abante News Online.

heart beso beso sa mga sikat na designer sa paris - Heart beso-beso sa mga sikat na designer sa Paris
ABANTE heart 3 - Heart beso-beso sa mga sikat na designer sa Paris

Ni: Rey Pumaloy

Kung meron mang natatanging artistang may perso-nal connection sa mga sikat na designer at luxury brand sa buong mundo na naka-base sa Paris, ‘yun ay si Heart Evangelista.

Sa muling pagtuntong ng isa sa mga StarStruck council sa Paris, nakipag-rubbing elbows na naman ito kay Christian Louboutin, na siyang designer ng expensive shoes and bags na Louboutin.

Makikita sa mga photo na pinost ni Heart sa kanyang Instagram account ang pagbeso nila ni Christian.

Nu’ng dumalaw si Louboutin sa Pilipinas kamakailan ay super chika rin sila ni Heart.

Magkaibigan nga sina Christian at Heart. Katunayan, niregaluhan siya nito ng Manilacaba bag, na inspired sa jeepney at ang fabric ay gawa sa ‘Pinas.

Dumalaw rin si Heart sa clothing brand owner na si Louis Bompard at si Oliver Gas na siya namang designer-owner ng Gas Bijoux jewelry.

Naka-display sa glass box ang larawan ni Heart at ilang pirasong jewelry na ang aktres ang nag-design. Bukod sa pagiging isa sa mga image model ng Gas Bijoux si Heart, siya rin ang designer ng ilang jewelry nito.

Asahan ang pakikipagkita pa ni Heart sa iba pang mga designer at brand owner sa Paris sa mga darating na araw.

Nakapagtanim na si Heart ng magandang samahan sa ilang mga sikat na designer sa buong mundo.

The post Heart beso-beso sa mga sikat na designer sa Paris appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *