Hazing sa PMA pinuna ni Lea

Tinawag na “barbaric”, “unnecessary ritual” at “excuse to abuse” ni Lea Salonga ang hazing na isinasagawa sa PMA o Philippine Military Academy, base sa pinoste na kuwento ni Gang Badoy Capati na shinare ng nasabing award-winning broadway star sa kanyang Facebook account.

hazing sa pma pinuna ni lea - Hazing sa PMA pinuna ni Lea
lea 7 - Hazing sa PMA pinuna ni Lea

Tinawag na “barbaric”, “unnecessary ritual” at “excuse to abuse” ni Lea Salonga ang hazing na isinasagawa sa PMA o Philippine Military Academy, base sa pinoste na kuwento ni Gang Badoy Capati na shinare ng nasabing award-winning broadway star sa kanyang Facebook account.

Sa salaysay ni Capati, dumaan sa coma at nagkaroon ng epekto sa utak ang isang malapit na kaibigan niya sa PMA dahil sa hazing na naranasan nu’ng 1983.

Galit ang naramdaman ni Lea sa nabasang kuwento. Sa palagay niya ay hindi makatarungan na ipinapataw ang ganoong kultura sa PMA.

Kaya nanawagan ito sa kanyang tweet na dapat nang putulin o tigilan ang violent practice na ito sa PMA.

“This!!! Would someone put an end to this barbaric, unnecessary ritual? This is an excuse to abuse!!!” tweet ni Lea kalakip ang link ng FB post ni Capati na tumutuligsa sa hazing. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *