Hagulgol to the max: Andi iniwan si Philmar sa Siargao

Nasa Manila si Andi Eigenmann kasama ang dalawang anak na sina Ellie at Lilo. Nag-celebrate rin ng kanyang unang taong kaarawan si Lilo, anak ni Andi sa partner niyang surfer, si Philmar Alipayo.

hagulgol to the max andi iniwan si philmar sa siargao - Hagulgol to the max: Andi iniwan si Philmar sa Siargao
andi - Hagulgol to the max: Andi iniwan si Philmar sa Siargao

116108566 312536229890837 8057282012748347039 n 300x156 - Hagulgol to the max: Andi iniwan si Philmar sa SiargaoNasa Manila si Andi Eigenmann kasama ang dalawang anak na sina Ellie at Lilo. Nag-celebrate rin ng kanyang unang taong kaarawan si Lilo, anak ni Andi sa partner niyang surfer, si Philmar Alipayo.

Naka-base na sa Siargao si Andi at nang mag-announce nga ng lockdown, nasa Siargao ito kasama si Lilo at Philmar habang si Ellie naman ay nasa daddy nito na si Jake Ejercito.

Dahil nasa Manila si Andi at Lilo, si Philmar ay naiwan sa Siargao kaya hindi nila ito nakasama sa mismong birthday ng anak.

Pero kahapon, nag-Instagram Live si Andi at si Philmar. Kasama ni Philmar ang palagay namin, mga surfer friends din nila.

Noong una, kitang-kita ang excitement ni Philmar nang makita ang mag-iina niya, kabilang na si Ellie. Nakikipagtawanan pa si Lilo sa daddy nito.

Pero bigla na lang, napayuko na ito at hindi na napigilan ang pag-iyak. Inaalo si Philmar ng mga kaibigan habang si Andi naman ay natatawa na lang at ilang beses sinabi na, “Mahal, don’t cry.”

Sabi ng mga kasama ni Philmar, miss na miss na raw silang mag-iina at sinagot ito ni Andi nang, “we missed him also.”

Hininto na lang ni Andi ang IG Live dahil hanggang sa matapos sila ay hindi pa rin ito huminto sa pag-iyak.

ABS-CBN binalewala: Aljur natakot banggain si Robin

Hindi sa sang-ayon kami sa naging statement ni Aljur Abrenica patungkol sa laban ng ABS-CBN na, “It’s beyond me… their fight is their fight” pero siguro, dahil iba ang naging pagkakakilala namin kay Aljur mula pa noon, hindi na kami nagulat.

Alam namin na may pagkakataon na hirap si Aljur mag-express ng nasa isip o nasa puso man nito sa tamang paggamit ng salita. Siguro, medyo sa aspetong yun, dapat ay mag-workshop pa rin siya, same way na more workshop pa rin sa acting.

Pero, may hinala kaming nasa situwasyon si Aljur ngayon na naiipit. Tiyak na hindi ito masaya at nalulungkot din sa nangyayari sa kanyang home network na ABS-CBN (after ng naging isyu niya rin sa dating network, ang GMA-7) pero, hindi ito mai-express ni Aljur verbally.

Iba na kasi ang situwasyon niya ngayon. Legit na “Papa” na niya si Robin Padilla na alam ng lahat na isang DDS (Diehard Duterte Supporter). So, siguro, iniisip ni Aljur na ang biyenan niya ang pwedeng makabangga naman kung magpapakita siya ng disgusto at lalaban din siya para sa ABS-CBN. At malamang naman, ayaw na ni Aljur mangyari yun.

Pero kung mas ismarte nga lang siguro si Aljur, he could have used a different word. Eh, ‘di, hindi sana siya nasasabihan ngayon na, “consistent” (pagdating daw sa network) at iba’t-iba pang hindi magandang adjectives.

Jennylyn hinamon si Sarah

Kung ang mga follower, fan ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ay willing magpaapak sa actress, si Jennlyn naman, gustong magpaapak sa idol niya.

Ang dami talagang naaaliw sa mga hirit na tweets ni Jennylyn sa kanyang Twitter account.

Birthday ni Sarah Geronimo noong July 25 kunsaan, nasa honeymoon ito with husband, Matteo Guidicelli sa Amanpulo– na regalo sa kanila for their honeymoon nga raw ni Vicki Belo.

So, yun na nga, ang daming bumati sa social media kay Mrs. Guidicelli at isa na nga rito si Jennylyn. Faney na faney ito sa pag-greet kay Sarah nang, “Happy Birthday @JustSarahG!!! I am such a fan of yours. Enjoy your special day. God bless.”

May pahabol pa itong, “P.S. Apakan mo ko please.”

Nagkamali pa ito sa unang tweet na at sa halip na popster, na-typo error raw siya at na-tweet na, “Poster for life!”

Sabi na lang ni Jen sa mga nagkorek sa tweet niya habang yung iba, inisip na baka may “shade” raw sa post niya na, “Sobra! Ilang beses na ako na-typo at wrong grammar. Masyado kasi akong excited mag-tweet palagi hindi ko binabasa ulit yung tina-type ko… hahaha.

“Naku buti nga nabasa ko kaagad. Nakakahiya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *