Habang may unos: MayWard magkasama sa probinsya

Noong kasagsagan ni Super Typhoon Rolly, ka-chat ko sa pamamagitan ng Facebook Messenger si Snooky Serna. Out of town siya, pero hindi namamasyal.

The post Habang may unos: MayWard magkasama sa probinsya first appeared on Abante.

habang may unos mayward magkasama sa probinsya - Habang may unos: MayWard magkasama sa probinsya
mayward 1 - Habang may unos: MayWard magkasama sa probinsya

Jun Lalin Anything Goes 42 4 300x200 - Habang may unos: MayWard magkasama sa probinsyaNoong kasagsagan ni Super Typhoon Rolly, ka-chat ko sa pamamagitan ng Facebook Messenger si Snooky Serna. Out of town siya, pero hindi namamasyal.

Para raw sa shooting ng Star Cinema movie nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Ayaw pang magkuwento ni Snooky ng details ng pelikulang ‘yon at baka raw kasi secret pa.

Sabi ni Snooky, kahapon ang shooting nila at umaasa nga siya na hindi sila mapa-pack-up para makauwi na raw siya today ng bahay.

Nang mine-message ko kahapon si Snooky, hindi siya sumasagot at feeling ko nga ay natuloy na ang shooting nila dahil wala na rin namang bagyo!

Anyway, nakakatuwa lang na may project pa rin together sina Maymay at Edward kahit pa nga may mga intriga at inili-link sa iba ang aktor, huh!

Sa “ASAP Natin ‘To” ay madalas pa rin na may production number sila.

Ang MayWard fans naman kasi, patuloy pa rin ang suporta sa tambalan nina Maymay at Edward!

***

Ruffa balik taping na

Naku, Dondon (my dear editor), mabuti na lang at humina si Super Typhoon Rolly noong Sunday night kaya naman kahapon ay maaliwalas na ang panahon.

Nakakalungkot nga lang dahil marami talagang mga kababayan natin na naapektuhan.

Ang mga lock-in taping, shooting na napilitang mag-pack-up noong Sunday, nag-resume na kahapon.

Una kong kinumusta si Ruffa Gutierrez na nasa lock-in taping ng “Stay-In Love” ng TV5 at ok naman daw sila. Lahat daw sila ay may taping kahapon.

“Super sunny here. Everyone’s included today dahil pack-up nga kami kahapon,” sabi ni Ruffa.

***

Maricel Laxa lola na

Kinumusta ko rin ang taping ng Christmas-serye ng TV5, ang “Paano Ang Pasko” na produced din ng Cignal Entertainment at line-produced ng The IdeaFirst Company ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana.

“Ok naman kami, yes, tuloy ang taping namin today. Late call kami, kasi may night scenes,” sabi ni Direk Perci.

Bale 12 hours lang allowed ang mga artista na magtrabaho ngayong “new Normal” dahil sa COVID-19 pandemic para masunod din ang health and safety protocols.

At dahil may night scenes nga sila, late call time na lang sila kahapon.

Ang “Paano Ang Pasko” ay comeback TV project ni Maricel Laxa.

Si Maricel ang lola ni Elijah Canlas sa Christmas-serye na ‘yon.

Ang taping naman ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” ng ABS-CBN ay walang taping kahapon. Rest day raw talaga nila.

Kahit naka-lock-in sila, may rest day rin ang lahat, hindi lang mga artista, pati staff and crew.

Hindi naman puwedeng tuloy-tuloy sila at walang pahinga, huh!

Pero noong Sunday raw, hindi sila affected ng bagyo dahil puro interior ang scenes na kailangan nilang kunan.

At ang location daw nila ay sa hotel mismo kung saan sila naka-lock-in, kaya wala raw silang naging problema. Nandoon na sila, so no need na mag-pack-up!

The post Habang may unos: MayWard magkasama sa probinsya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *