Gwen Zamora 3 buwan buntis?

Totoo kaya ang chika na nagdadalantao ngayon ang aktres na si Gwen Zamora?

The post Gwen Zamora 3 buwan buntis? appeared first on Abante News Online.

gwen zamora 3 buwan buntis - Gwen Zamora 3 buwan buntis?
Abante 2019 Gwen Zamora - Gwen Zamora 3 buwan buntis?

Totoo kaya ang chika na nagdadalantao ngayon ang aktres na si Gwen Zamora?

Usap-usapan sa sirkulo na ginagalawan ng dating Kapuso actress­ ang kalagayan nito nga­yon.

Sabi-sabi na tatlong buwang buntis ang aktres sa kasintahang basketbolista na si David Semerad.

Nitong December 2018 lang nalantad ang relasyon ni Gwen kay David nu’ng mag-post ito ng larawang magkasama sila sa Baler, sa resort hotel ng model-actress na si Sam Pinto, na girlfriend ng kambal ni David na si Anthony.

Bago si David, nagkaroon muna ng relasyon si Gwen sa anak ni Joey Marquez, si Jeremy Marquez. Tumagal din ng ilang taon ang kanilang pagmamahalan, na human­tong pa sa engage­ment, at sa hindi malamang dahilan ay nauwi sa hiwalayan.

Well, hindi pa kumpir­mado ang kuwentong ito dahil hindi pa mismo nanggagaling sa bibig ni Gwen ang lahat.

Abangan na lang natin kung lalaki nga ang tiyan ni Gwen.

John Estrada pinakilig ang tindera ng bulaklak

Naka-post sa Insta­gram ni John Estrada ang lara­wan nila ng batang babae na pareho silang may hawak na bulaklak.

Sa caption, sinabi ni John na nahuli ng assistant direktor nila sa “Kara Mia” na nakatingin sa kanya ang batang babae.

“This little girl really made my day…her name is Meanne…while taping for KARA MIA in harbor square…my assistant director told me that she caught this girl staring at me..,I waved at her and suddenly I saw her parang kinilig hehe…” sabi ni John.

“Later on she asked someone from the set to hand me the flower…nagbebenta kasi siya…she’s only 12 years old…how sweet.

“So I called her in…gave her a big hug…and she told me she always watches me and really liked me.

“Meanne I wish and pray that you’ll grow up to be a fine lady…God bless u always,” kuwento pa ni John.

Nadiskubre ni John na may diperensya pala ang flower vendor.

The post Gwen Zamora 3 buwan buntis? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *