Gwen, David magka-live in na

Matapos sumi­ngaw ang balitang buntis ngayon si Gwen Zamora, tila nagpahiwatig ng pagsasama na sa iisang bubong ang aktres at ang kanyang kasintahang basketbolistang si David Semerad.

The post Gwen, David magka-live in na appeared first on Abante News Online.

gwen david magka live in na - Gwen, David magka-live in na
david - Gwen, David magka-live in na

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Gwen, David magka-live in naMatapos sumi­ngaw ang balitang buntis ngayon si Gwen Zamora, tila nagpahiwatig ng pagsasama na sa iisang bubong ang aktres at ang kanyang kasintahang basketbolistang si David Semerad.

Unang pinoste ni Gwen ang pagpapahiwatig niya ng pagli-live in nila ni David sa isang Instagram post nito habang nasa loob sila ng sasakyan at nasa likod nila ang maraming gamit.
“Few more boxes and were fully moved #TheSemeradHome,” sabi ni Gwen.

Sumunod nito ay ang pagpu-post naman ng isang bahagi ng bahay na inayos mismo nila ng kasinta­han. May hashtag pa ito uling #TheSemeradHome.

“Our little entrance way before and after. DIY project tying in the shades of blue-plant from @plantsphilippines-Vintage rack from fb market place (repainted by @djsemerad &i).”
Wala namang kumontra sa pagli-live in na ito nina Gwen at ng basketbolista. Pero teka, baka naman kasal na rin sila ni David?

Angeline nilantad ang tattoo

May tattoo ba sa likod si Angeline Quinto? Napansin ng isa sa mga follower ng “ASAP” singer ang isang malaking black spot sa pinoste niyang larawan sa Instagram.

Nagpakuha si Angeline sa isa niyang kasama habang nakatalikod at nasa aktong naglalakad sa tabi ng dagat. Nakasuot ng string bikini ang birit singer kaya kahit malayo ang pagkaka-shot ng photo makikita ang likod nito.

Nalantad hindi lang ang magandang pigura ni Angeline, kundi pati na ang makinis na kutis nito, at ang isang pabilog na image sa likod na bahagi ng beywang niya.

Kalahati lang ang nakasungaw na black image sa likod ng singer, pero sapat na ‘yun para mapansin ng mga follower niya.

The post Gwen, David magka-live in na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *