Guwapong kalbo: Katapangan ni Matteo sinaluduhan ng mga kapwa artista

‘Rangers lead the way. No backing down,” sabi ni Matteo Guidicelli sa Instagram photo niya na kalbo na nga siya.

The post Guwapong kalbo: Katapangan ni Matteo sinaluduhan ng mga kapwa artista appeared first on Abante News Online.

guwapong kalbo katapangan ni matteo sinaluduhan ng mga kapwa artista - Guwapong kalbo: Katapangan ni Matteo sinaluduhan ng mga kapwa artista
mateo - Guwapong kalbo: Katapangan ni Matteo sinaluduhan ng mga kapwa artista

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Guwapong kalbo: Katapangan ni Matteo sinaluduhan ng mga kapwa artista‘Rangers lead the way. No backing down,” sabi ni Matteo Guidicelli sa Instagram photo niya na kalbo na nga siya.

Wala na ngang atrasan si Matteo sa pagsabak sa pagiging sundalo. At nakakabilib na ang isang katulad niyang sikat, mayaman, malakas, masaya, ay naghangad pa rin ng ibang buhay.

Na sinubok ang mahirap na buhay ng mga bayaning sundalo, sa halip na ituloy lang ang kasikatan, kasarapan ng buhay, o magpayaman pa nang husto.

Anyway, taas-kamay nga ang mga kapwa niya artista sa katapangan niya. Isang bagay na hindi kayang gawin ng ibang papogi lang na artista.

Sabay-sabay ngang sumaludo ang mga artistang sina John Estrada, Ryan Eigenmann, Iza Calzado, Jed Madela, Joseph Marco, Wil Devaughn, Erik Santos, at marami pang iba, sa katapangan ni Matteo.

Pero, nakakaaliw rin na kahit kalbo na si Matteo, at medyo umitim agad, ang kaguwapuhan pa rin talaga nito ang napansin ng mga netizen.

“You’re still handsome,” sabi ni Vicki Belo.

“Pogi!” tili ni IC Mendoza.

“Not everyone can look great without hair, but you pulled this one with grace and manhood. Proud of what you do,” sabi ni @angtunaynajonp.

Fergie nag-file ng diborsyo kay Josh Duhamel

Finally, nag-file na ng diborsyo ang dating miyembro ng Black Eyed Peas na si Fergie sa kanyang ‘dyowa’ na si Josh Duhamel sa Pa-sadena. Kunsabagay, matagal na ring hiwalay ang dalawa, nu’ng September 2017 pa, na sabay nga nilang inanunsiyo sa publiko.

 

Pero, kataka-taka rin na ni isa sa kanila ay walang nag-attempt na mag-file ng diborsyo. May mga nag-isip tuloy na baka umaasa pa sila na magkakabalikan sila.

Pero ‘yun na nga, napagod na si Fergie na basta hiwalay lang sila ni Josh, at idinaan na niya sa legal na proseso ang lahat.

Si Josh ay madalas na nakikitang may mga ka-date na iba’t ibang babae. Ang last na naka-date niya ay isang brunette sa Malibu.

Anyway, nagsimula ang relasyon nina Fergie at Josh nu’ng 2004, at walong taon silang nagsama bilang mag-asawa.

Thea ninakawan ng halik ni Ruru

Kahanga-hanga itong si Thea Tolentino pagdating sa dedikasyon bilang artista.

Sa latest Instagram post ni Thea kung saan makikita ang nagsusumigaw niyang maiksi at kulay pulang buhok, para raw sa nalalapit nitong teleserye ang new look niya.

Ang pulang hair na ito ni Thea ay mapapansin din sa video na ipinost ng “Dear Uge” kung saan siya ay nakasuot ng maid outfit at naglilinis nang biglaan siyang ninakawan ng halik ng Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid.

Mukhang halatang nagulat at hindi ito inaasahan ng dalaga kung kaya’t nakalagay sa caption kung kasama raw ba sa script ang ginawang stolen kiss ng binata.

Sina Thea at Ruru ay magtatambal ngayon (H­unyo 2) sa “Dear Uge.” Mapapanuod ang Dear Uge presents “It’s Complicated” ngayong Linggo (Hunyo 2) na after “Sunday PinaSaya”!

The post Guwapong kalbo: Katapangan ni Matteo sinaluduhan ng mga kapwa artista appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *